Ang mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto ay isa sa mga hinahangaang magkapareha sa industriya ng showbiz dahil sa kanilang magandang katangian at talagang bagay na bagay sila sa isa’t isa.
Pinatunayan ng dalawa ang kanilang pagmamahalan at ikinasal noong 2011. Ang kanilang masayang pagsasama naman ay biniyayaan ng apat na mga anak na hindi maitatangging namana rin ang magandang lahi ng kanilang mga magulang. Sa apat nilang anak ay nag-iisa lamang ang babae, at ito ay si Ondrea Bliss. Dahil nga nag-iisang babae sa magkakapatid, siya ang parating na nangingibabaw at nangunguna sa lahat.
Ang panganay na Unija Hija ng mag-asawa ay hindi lamang paborito ng kanilang pamilya kundi maging ng mga netizens.
Si Ondrea ay walong taong gulang na sa ngayon at tiyak na lalaki siyang napakaganda kagaya ng kaniyang ina. Tiyak na mamamana nito ang angking karisma at taglay na kagandahan ng inang si Kristine.
Ang pangalan niyang Ondrea Bliss ay napakaganda rin ang kahulugan. Sa naging panayam kay Kristine sa “The Buzz”, inihayag ni Kristine na talagang pinag-isipan nila ang pangalan ng kanilang Unica Hija.
“Naghanap kami. Finally, God spoke to us na eto na yung ipangalan ninyo. Ibig sabihin ng Ondrea, strong and courageous. And Bliss, ibig sabihin naman unmeasurable joy.”
Ang napakagandang kahulugan ng pangalan ni Ondrea Bliss ay binigyan naman nila ng maikling palayaw na “Dre”. Si Dre nga ay may mga namana sa inang si Kristine na talagang makikitaan sila ng pagkakahawig. Ang ilan nga sa namana ni Dre ay ang cleft chin at matambok na pisngi.
Ang ama naman nitong si Oyo ay sinabi na mabuti na lang raw at kay Kristine ito nagmana.
“Yung cheeks nakita namin ang taba talaga. Tsaka ‘yung fingers niya mahaba, parang nagmana kay Tin. Buti na lang kay Tin nagmana,”.
Ang cute na batang si Dre ay may mga tagahanga at followers na kung saan ay nais siyang maging beauty queen sa kanyang paglaki kagaya ng kanyang ina.
Sa naging panayam naman kay Oyo sa PEP, sinabi nito malaki raw ang pagkahilig ni Dre sa sining kaya naman tinawag nila itong “little miss painter”.
Pagdating naman sa kaniyang pamilya, makikita na talagang ipinaparamdam ni Dre ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang mga kapatid kung saan itinuturing niya ang mga ito bilang BFF.
Maaasahan narin si Dre sa mga gawaing bahay kung saan ay nagagawa na niyang gumawa ng mga bagay na nakakatulong sa kaniyang mga magulang kagaya ng paglilinis sa loob ng kanilang tahanan. Tinutulungan na rin ang kaniyang mga kapatid sa iba pang gawain.
Nakakatuwang isipin na sa murang edad ay tinuturuan na nina Kristine at Oyo si Dre upang maging responsableng anak at maging matulungin sa mga gawain sa kanilang tahanan. Tiyak na lalaking mabuting tao at responsable si Dre pagdating ng panahon katulad ng kaniyang ina.