Sabi nga nila, mas marami mas masaya. Maihahalintulad nga rito ang pagkakaroon ng maraming anak upang makadagdag ng kasiyahan sa pamilya sa loob ng tahanan. Ngunit, ganito rin ang sitwasyon ng ilang Filipino Celebrity na naging ama sa napakaraming mga anak.
Tunay nga na ang pagkakaroon ng maraming anak ay masaya at iba ang kaligayahang hatid sa mga magulang. Kagaya na lamang ng kilalang artista na ang ilan sa kanila ay plinano at nais talagang nagkaroon ng maraming anak. Ngunit, may ilan namang artista na naging ama sa hindi mabilang na mga anak na talagang nakakagulat kung paano sila nagkaroon ng napakaraming anak. Tila ang ilan sa kanila ay talagang nais magkaroon ng maraming anak upang mapalaganap ang kanilang lahi.
Narito ang ilan sa mga artistang naging ama sa napakaraming mga anak:
JOEY MARQUEZ
Bilang ng mga anak: 7
Si Joey Marquez na kilala bilang dating basketbolista at hindi nagtagal ay naging isang sikat na artista sa industriya ay nagkaroong pitong anak sa tatlong babae.
Ang panganay niyang si Jeremy Marquez ay anak niya mula kay Francesca Siron. Nagkaroon rin siya ng dalawang anak sa dating aktres na Brenda del Rio, ito ay sina Jowee Ann at Zia. Samantalang ang huling babae namang nagbigay sa kaniya ng apat na supling ay ang aktres na si Alma Moreno at ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan ay sina Charles Yeoj, Teresita Ssen (Winwyn), Vittorio Joey, at Maria Maal Venesa.
ROBIN PADILLA
Bilang ng mga anak: 8
Ang kilalang aktor na si Robin Padilla ay nagkaroon ng walong mga anak na talaga nga namang namana ang kaniyang magandang lahi.
Sa unang asawa na si Liezel Sicangco ay nagkaroon ang aktor ng apat na anak, sina Ali, Queenie, Kylie, at Zhen-Zhen. Nagkaroon rin siya ng relasyon sa dating aktres na si Jobelle Salvador kung saan nagkaroon sila ng anak na lalaki na nagngangalang Mico. May anak rin siya sa aktres na si Leah Orosa,ito ay si Camille Garcia. At sa kasalukuyan ay may dalawang anak siya sa asawang si Mariel Rodriguez Padilla.
EDDIE GUTIERREZ
Bilang ng mga anak: 8
Ang beteranong aktor na si Eddie Gutierrez ay nagkaroon naman ng 8 mga anak. Anim ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng asawang si Anabelle Rama, ito nga sina Ruffa, Rocky, Elvis, Eric, Raymond, at Ritchie Paul.
Nagkaroon rin siya ng dalawang anak sa kaniyang mga dating nakarelasyon. Si Tonton ay anak niya sa dating aktres na si Liza Lorena at si Ramon Christopher naman ay anak niya sa singer na si Pilita Corrales.
FRANCIS MAGALONA
Bilang ng mga anak:8
Ang Master Rapper na si Francis Magalona ay naging mabuting ama sa kaniyang walong anak. Kabilang na rito sina Nico at Unna na anak ni Pia Magalona sa dati nitong asawa.
At noong 1985, nagpakasal sina Francis at Pia at nagbunga ng anim na anak ang kanilang pagmamahalan, sina Maxene, Frank, Saab, Elmo, Arkin, at Clara.
GARDO VERSOZA
Bilang ng mga anak: Less than 10
Sa isang panayam, inamin ni Gardo Versoza na hindi raw siya sigurado kung ilan lahat ang kaniyang mga anak.
“Ang problema ay hindi ko alam kung nasaan sila. Nung time na dapat dadalawin ko yung isa sa Amerika, hindi natuloy yon.”
“Sayang kasi gusto ko rin malaman kung ano na ba nangyayari sa buhay nila. Gusto ko rin siyang makilala.
“Sa pagkakaalam ko, nasa college na siya, e. Sayang at hindi kami nagkita. Pero ako naman, wala akong sinasarang pinto sa mga anak ko.
“Kung gusto nila akong makilala, alam naman nila kung saan nila ako matatagpuan. Hindi naman tayo nagtatago.”
Si Gardo at long-time girlfriend niyang si Ivy Vicencio ay may apat na taong gulang na anak na nagngangalang Deity Uziel.
CHRISTOPHER DE LEON
Bilang ng mga anak: 10
Noong 1975, unang nasilayan ng aktor ang kaniyang panganay na anak sa dating asawa na si Nora Aunor. Nagkaroon rin ng adopted children ang dating mag-asawa, sina Lotlot at Matet. Naghiwalay naman sila noong 1996. Sa kasalukuyan ay masaya na siya sa piling ng asawang si Sandy Adolong kung saan ay may lima na silang anak, sina Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel, at Mica.
JAY MANALO
Bilang ng mga anak: 11
Sa naging panayam sa kaniya kasama si Dolly Anne Carvajal para sa Philippine Daily Inquirer, kinumpirma ng aktor na nagkaroon siya ng 11 na mga mula sa anim na babae. Si Jay ay nagkaroon ng dalawang anak sa dati niyang schoolmate sa San Sebastian na si Maribel de Guzman, ito ay sina Jaeandra Maree at Jaeriannetoni.
Noong 2003 naman, pinakasalan niya ang kaniyang non-showbiz partner na si Raizza. Ang masaya nilang pagsasama ay biniyayaan ng 3 supling, sina Ann Jaenaisha Raine, Adrienne Riona Jaenylla Manalo, at Raiko Jaego Almighty. Maliban sa kabila, may iba pang mga anak si Jay, sina Jayenne Therese, Ashley Nicolette, Charmaine Joy, at Rica.
JOSEPH ESTRADA
Bilang ng mga anak: 10-12
Ang dating Presidente ng Pilipinas na si Joseph Estrada ay nagkaroon ng 3 anak sa dating First Lady na si Dra. Luisa Pimentel, sina Sen. Jinggoy, Jacqueline and Jude. Ang 81 taong gulang na retiradong aktor ay nagkaroon pa ng mga anak sa kaniyang mga nakarelasyon. Ito ay sina Peachy Osorio, Guia Gomez, Laarni Enriquez, at Joy Melendrez. Samantala, ayon sa ibang source, nagkaroon rin siya ng anak kay Maryy-Ann Murphy at sa isang flight attendant.
DOLPHY QUIZON
Bilang ng mga anak: 18
Ang kinikilalang King Of Comedy na si Dolphy Quizon ay nagkaroon ng 18 anak sa ibat ibang babae. Nagkaroon siya ng 6 na anak sa dating aktres na si Engracia Domínguez at apat naman mula kay Pamela Ponti. Samantalang kay Zsa Zsa Padilla naman ay nagkaroon rin siya ng mga anak, kabilang na nga rito si Zia at adopted nilang si Nicole.
RAMON REVILLA SR.
Bilang ng mga anak: 72
Noong Nobyembre 2011, ang writer na Portia Ilagan ay isiniwalat sa isang panayam sa ABS-CBN na ang dating politiko na si Ramon Revilla Sr ay may 72 na mga anak mula sa 16 na babae. Ayon kay Portia, 38 lamang umano sa mga anak ng politiko ang kaniyang naaalala at nagdadala ng apelyido ni Ramon Revilla Sr. Samantala, noong 2008 naman, sa isang panayam sa PEP.ph, kinumpirma ng isa sa mga anak niya na si Rowena Bautista-Mendiola at sinabi na: It’s actually just 45. I have a list, e… we’re only 45.”
LOU SALVADOR SR.
Bilang ng mga anak: 102
Ang dating basketball player naman na si Lou Salvador Sr ay hindi mabilang ang kaniyang mga anak na kung saan ay umabot na ng mahigit 100 at mula ang mga ito sa 49 na mga babae. Kabilang sa kaniyang mga anak na nakilala sa industriya ng showbiz ay sina Mina Aragon, Phillip Salvador, Ross Rival, Juan Miguel Salvador, Emil Salvador, at Jumbo Salvador.