Kilalanin Ang Mga Celebrity Couple Na Palaging Magkasama Kung Magtravel Sa Ibat-ibang Panig Ng Mundo

Talaga nga namang napakasarap sa pakiramdam ang magbakasyon at mamasyal sa mga magagandang lugar kasama ang mga mahal sa buhay. Kaya naman para sa mga celebrity couple, ang mundo ay isang napakasayang karanasan upang maexplore nang magkasama.




Tunay nga na masayang mamasyal nang magkasama at mayroong travel buddies. Kahit pa ang pamamasyal ay parte ng trabaho o bakasyon, o kaya naman ang pupuntahan ay sa loob ng bansa o labas ng bansa, kung mag-asawa man o magkasintahan ang mahalaga ay magkasamang bubuo ng magagandang alala sa mga magagandang lugar na mararating.

Narito ang ilan sa mga celebrity couple na palaging magkasama sa kanilang mga travel destinations:

ANNE CURTIS AT ERWAN HEUSSAFF

Ang pagtatravel ay may malaking papel sa relasyon nina Anne at Erwan. Dahil, nagkakilala sila habang ang aktres ay nasa European trip noong 2009. Mag-isang lumipad si Anne patungo Europe, ngunit kaniya namang nakita ang mga kaibigan na sina Raymond Gutierrez, Bea Soriano, Liz Uy, Isabelle Daza, and Adrien Semblat. At nagkataon rin na parte ng trip na ito si Erwan. Hindi nga nagtagal ay naging ganap silang magkasintahan. Habang magkasintahan, sina Anne at Erwan ay nagtatravel sa abroad upang dumalo sa mga music festival.

Ngunit kalaunan, ay kanila na ngang nakita ang ganda ng kalikasan at madalas na nilang suyurin ang mga magagandang lugar.

Matapos nga ang ilang taon ng kanilang relasyon, ang mga magagandang lugar na sa labas ang mas lalo pang nagpatatag ng kanilang relasyon at may mahalagang papel na ginampanan sa panibagong yugto ng kanilang buhay.




Dahil hiningi ni Erwan ang kamay ni Anne upang pakasalan habang sila ay nasa hiking trail sa Connecticut, USA. At hindi nga nagtagal ay naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa napakagandang tanawin ng Queenstown, New Zealand.

MAJA SALVADOR AT RAMBO NUNEZ ORTEGA

Taong 2019 naman, ang taon para sa masayang bakasyon ng magkasintahang sina Maja at Rambo. Dahil ang taong ito ay punong-puno ng paglalakbay sa mga magagandang lugar at kanila ngang narating ang mga lugar gaya ng United States, Indonesia, Switzerland, Italy, South Korea, Mexico, Cuba, at Canada.

Masaya ring sinalubong ng magkasintahan ang bagong taon sa Japan.




KIM CHIU AT XIAN LIM

Sina Kim at Xian naman ay masayang ipinagdiwang ang pasko nang magkasama nilang puntahan ang mga magagandang lugar sa iba’t ibang panig ng mundo. Para sa kanilang bakasyon, nais nilang marating ang mga lugar na nababalutan ng snow gaya ng Austria, Switzerland, Czech Republic, Finland, Sweden, at Denmark.

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

Ang magkasintahang sina Maine at Arjo, bagamat nais na maging pribado at ilayo sa social media ang mga ganap sa kanilang relasyon.

Marami pa rin sa kanilang mga tagahanga ang palaging nakasubaybay sa kanilang travel destinations. Ang magkasintahan ay narating na ang mga magagandang lugar kagaya ng United States, Indonesia, Singapore, Taiwan, at Japan.

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

Sina Kathryn at Daniel naman nagagawang pagsabayin ang trabaho at masaya nilang bakasyon na kung saan ay narating nila ang napakagandang lugar ng Hokkaido, Japan noong pagsisimula ng taong 2019. Trabaho rin ang nagdala sa dalawa sa Rome at Dubai.

Napuntahan na rin ng magkasintahan ang Morocco, at kanilang binisitang muli ang Iceland upang magbakasyon noong nakaraang Setyembre.




Nauna na nilang napuntahan ang Iceland nang silang magkaroon ng photoshoot sa napakagandang lugar. Samantala, nang sila naman ay pabalik na ng Manila kanila namang naisipang dumaan ng Paris, France at manatili ng ilang oras upang damhin ang ganda ng romantikong lugar.

MEGAN YOUNG AT MIKAEL DAEZ

Ang mag-asawa namang sina Megan at Mikael ay talagang mahilig sa adventure at pagtatravel na kung saan ay makikita ang pagmamahal sa kalikasan.

Sa loob lamang ng 100 na oras ng kanilang bakasyon ay nagawa nilang puntahan ang mga magagandang lugar. Matapos nga nilang masaksihan ang ganda ng kabundukan sa probinsya ng Vietnam ay nagtungo naman sila sa isang cafe sa Thailand. Matapos nito, nagtungo naman sila sa kahanga-hangang anime convention sa Japan.




At kanila paring isinaalang-alang ang kanilang mga plano para sa buwan ng Abril 2019. Masaya naman nilang itinuloy ang kanilang adventure sa Osaka, Japan. Nagtungo rin ang mag-asawa sa Seoul, South Korea upang dumalo sa isang fan event.

Ngunit, hindi pa rito nagtatapos ang kanilang masayang bakasyon, dahil matapos ang ilang araw ay sa Iceland naman sila nagtungo at ito na ang pinakahighlight ng kanilang bakasyon para sa buwan ng Abril.

JUDY ANN SANTOS AT RYAN AGONCILLO

Para sa mag-asawang Juday at Ryan naman, ang travel ang paraan nila upang mag-engjoy ng magkasama na wala ang kanilang mga anak.

Mahilig ang mag-asawang magtravel kasama ang kanilang mga kaibigan, o kaya naman ay silang dalawa lamang. Ang huling bakasyon ng mag-asawa ay noong 2018 sa Italy kung saan natuto sila ng Italian cuisine.




LUCY TORRES AT RICHARD GOMEZ

Isa pang celebrity couple na mahilig magtravel nang magkasama ay ang mag-asawang sina Lucy at Richard. Ang pinakahuli nilang adventure ay nang magkaroon sila ng bakasyon kasama ang mga kaibigan sa Greenland noong Setyembre 2019. Ayon kay Lucy “beautiful, dreamy escape”, ang trip nilang ito.

JENNYLYN MERCADO AT DENNIS TRILLO

Para naman kina Jennylyn at Dennis, ang pagtatravel ang paraan nila upang makalabas sa comfort zone at makita ang “a truer, though sometimes harsher, light” ng bawat isa.

Siyempre, pag pumupunta ka ng ibang bansa, madalas first time namin mapuntahan, makikita mo dun papa’no ba siya pag stressed na”, ayon kay Dennis. Magkasama na nilang napuntahan ang South Korea, France, Dubai, Cambodia, at Amsterdam. Mahilig rin ang dalawang magtungo sa beach nang magkasama.

BILLY CRAWFORD AT COLEEN GARCIA

Ayon naman kina Billy at Coleen, isa sa dahilan ng matatag nilang relasyon ay ang pagtatravel. Ang pagtatravel raw ang nakatulong sa kanila upang maunawaan ang kakaibang ugali ng bawat isa. Sa naging panayam kay Coleen sinabi niya na: We know every single thing about each other.

“Like, we know the other person doesn’t want to do this and we know that this person, you know, can’t stand this, even the way we pack, the way we handle ourselves, the way we take care of ourselves when we’re not in our comfort zones.”

Narating na ng mag-asawa ang mga magagandang lugar kagaya ng United States, Hong Kong, Maldives, South Africa, Dubai, Indonesia, and France.




KIM JONES AT JERICHO ROSALES

May pagkakataon na si Kim ay nagtungo sa Europe samantalang si Jericho naman ay nasa bahagi ng Asia. Ngunit, ang dalawa ay nagkasama nang dumalo sila sa Fashion Week sa Milan,Paris at New York, USA kung saan si Jericho ang naging date ni Kim sa naturang event.

MAXENE MAGALONA AT ROB MANANQUIL

Para naman kina Maxene at Rob, ang pagtatravel ay isang learning experience. “Travel makes us go deep into life. That’s really what travel does to us. That’s why we love to do it!”, pahayag ni Maxene sa PEP.ph noong July 2019.

Ang mag-asawa ay nagtatravel upang matutunan ang ibat-ibang kultura at makasalamuha ang ibat-ibang klase ng tao. Naenjoy na nga ng mag-asawa at magkasamang napuntahan ang mga lugar gaya ng France, Portugal, Hong Kong, Singapore, Thailand, Indonesia, at States. Ngunit, ang paborito nilang lugar na palaging pinupuntahan ay ang Japan.