Ang Boracay ay isang napakagandang lugar kung kaya’t maituturing itong isang paraiso dahil sa ganda ng mga tanawing taglay nito. Kaya naman marami ang nagnanais na makarating rito upang magbakasyon at mag-enjoy kasama ang pamilya. Ngunit, may mga nagnanais ring sa paraisong isla ng Boracay ganapin ang kanilang pag-iisang dibdib. Ilan na nga rito ang mga sikat na personalidad na mas piniling magkaroon ng engrandeng kasal sa Boracay.
Narito ang mga celebrity na idinaos ang engrandeng kasal sa Boracay:
RACHELLE ANN GO AT MARTIN SPIES

Nagsagawa ng environmental rehabilitation sa isla ng Boracay noong April 26, 2018 at aabotin ito ng anim na buwan. Kaya naman ang Boracay ay pansamantalang isinara sa loob ng anim na buwan. Ngunit, bago pa man isara ang Isla ng Boracay, ang Hamilton star ang huling celebrity na ikinasal sa Boracay.

Si Rachelle Ann Go at ang American fiancè nitong si Martin Spies ay ikinasal noong Abril 18, 2018 sa Shangri-La’s Boracay Resort & Spa.

Ang bagong kasal ay naengaged naman noong Setyembre 8, 2017 nang sila ay magbakasyon sa Boracay.
MAXENE MAGALONA AT ROB MANANQUIL
Ang magkapareha namang sina Maxene at Rob ay nagkaroon ng isang garden wedding ceremony noong Enero 11, 2018 na ginanap sa Shangri-La’s Boracay Resort & Spa.
Ang pag-iisang dibdib nilang ito sa isla ng Boracay ay 2nd wedding na nila. Una na silang ikinasal sa simbahan sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park na matatagpuan sa Makati City noong Enero 8, 2018.
Naengaged naman si Maxene sa kasintahan nitong si Rob noong Pebrero 2017 nang sila ay magbakasyon sa Japan.
KIM JONES AT JERICHO ROSALES
Ang blogger-host naman na si Kim Jones at Kapamilya aktor na si Jericho Rosales ay naging romantiko naman ang pag-iisang dibdib sa Shangri-La’s Boracay Resort & Spa na ginanap noong Mayo 1, 2014.
Nagkakilala sina Kim at Jericho sa pamamagitan ng kanilang kaibigan at noong 2011 nga idineklara nila ang kanilang pagiging magkasintahan.
Noong Agosto 3,2013 naman ay nagpropose si Jericho kay Kim habang sila ay nasa Sunday service sa New Life Church sa Alabang.
RACHEL ALEJANDRO AT CARLOS SANTAMARIA
Ang singer-theater actress naman na si Rachel Alejandro ay pinakasalan ang Spanish newscaster na si Carlos Santamaria noong Abril 9,2011 sa Shangri-La’s Boracay Resort & Spa.
Matapos naman ang kanilang pag-iisang dibdib, lumipad ang bagong kasal patungo sa Maldives para sa kanilang honeymoon.
EHRA MADRIGAL AT TOM YEUNG
Si Ehra at Tom naman ay nagpalitan ng kanilang wedding vows sa harap ng kanilang mga mahal sa buhay sa simbahan ng Holy Rosary Parish Church sa Boracay noong Marso 3, 2017. Samantalang ang reception naman ay ginanap sa The Lind.
BANGS GARCIA AT LLOYD BIRCHMORE
Ang magkapareha namang ito ay matagumpay na idinaos ang kanilang pangarap na beach wedding sa Asya Premiere Suites noong Enero 24, 2017. Sa napakagandang isla rin ng Boracay sila unang nagkakilala noong 2015 at naengaged naman noong 2016. Sila ay nabiyayaan ng isang anak na nagngangalang Amelia at masayang naninirahan sa United Kingdom.
G TONGI AT TIM WALTERS
Ang TV host na si G Tongi at Amerikanong asawa nito na si Tim Walters ay nagkaroon naman ng beach wedding na ginanap noong Pebrero 19, 2005 sa Nami Resort sa Boracay.
Ang dalawa ay unang nagkakilala sa Los Angeles, California.
Sa naging panayam sa Yes Magazine, sinabi ni G Tongi na:
“Our friendship is really what sealed our relationship. “We both knew that we were attracted to each other and yet, because we were friends, we tried to deny our brewing emotions for each other.”
Ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Kenobi Benjamin and Sakura Anne Marie.
TUESDAY VARGAS AT COY PLACIDO
Ang komedyante naman si Tuesday Vargas at asawa nito ay nagkaroon ng Christian Wedding sa napakagandang dalampasigan ng isla noong Hunyo 19, 2010. Ang seremonya ng kasal ay idinaos sa Discovery Shores sa Boracay.
Sinabi ng mag-asawang Buddhist na pangalawang seremonya na ito ng kanilang kasal. Dahil noong bumisita sila sa Bali, Indonesia matapos makatanggap ng basbas mula sa “mahout” ay agad silang nagpakasal noong 2005.
PATTI GRANDIDGE AT JON HERRERA
Sina Patti at Jon naman ay naganap ang pag-iisang dibdib noong 2013 sa Shangri-La’s Boracay Resort & Spa.
TRICIA CENTENERA AT GAB VALENCIANO
Nasaksihan rin ng isla ng Boracay ang pagmamahalan at pag-iisang dibdib nina Tricia at Gab. Ang seremonya ng kanilang kasal ay ginanap sa Discovery Shores noong Marso 31, 2015.
Ito na ang pangatlong beses nilang pagpapakasal. Una na silang ikinasal sa US noong 2014 at sinundan naman ito noong Marso 27, 2015 sa ginanap sa Tagaytay Highlands Golf Club.
Ngunit, ang ilang taon nilang pagsasama ay nauwi rin sa hiwalayan na ayon kay Tricia ang dahilan umano ay third party sa side ni Gab.