Kilalanin Ang Magandang Babaeng Nagpatibok At Bumihag Sa Puso Ng Aktor Na Si Ejay Falcon

Si Ejay Falcon ay isang sikat na aktor sa bansa. Ang 29 taong gulang na aktor ay isa ring mahusay na modelo at host sa telebisyon.

Dahil sa kaniyang husay at galing sa pag-arte sa kaniyang mga proyekto, hindi maitatanggi na marami ang mga sumusuporta at humahanga sa aktor. Naghahatid rin ng kilig ang aktor sa kaniyang mga tagahangang kababaihan dahil hindi rin naman maikakaila ang taglay niyang kakisigan at gwapong mukha.




Kaya naman ang makisig na kagaya ni Ejay ay tiyak na magandang babae ang nais makapareha sa buhay pag-ibig.

At kaniya nga itong natagpuan sa katauhan ni Jana Roxas na siyang nagpatibok at bumihag sa puso ng aktor.

Ang magandang dilag na si Jana ay una nating nasilayan sa GMA, bilang isa sa mga contenders sa reality talent competition show na Starstruck. Sa kasalukuyan naman ay patuloy na namamayagpag ang karera nito na kung saan ay patuloy na napapanood sa iba’t ibang programa ng GMA bilang isang mahusay na aktres.

Parehong umaarangkada ang karera nina Ejay at Jana sa industriya na palaging abala sa mga proyektong kinabibilangan, ngunit kahit busy ay naglalaan pa rin sila ng oras sa isat-isa para mapanatiling matatag at masaya ang kanilang relasyon.




Makikita rin naman sa kanilang pagsasama bilang magkasintahan na talagang mahal na mahal ang isat-isa. At talagang bagay na bagay sila dahil parehong taglay ang katangian ng magandang lalaki at babae. Hindi rin naman maikakaila sa mga larawang kanilang ibinabahagi sa social media ang pagiging sweet nila sa isat-isa.

Ngunit paano nga ba nagsimula ang kanilang matamis na pag-iibigan? Yan ang tanung ng kanilang mga taga-hanga.

Ang kanilang masayang pagmamahalan umano ay nagsimula nang maimbitahan si Ejay sa isang house warming event sa Pansol Laguna. Ngunit lingid sa kaalaman ng aktor ang bahay palang ito ay pagmamay-ari ng babaeng magiging dahilan ng pagtibok ng kaniyang puso, at ito nga ang magandang dilag na si Jana.

Kaya naman sa naging panayam ni Ejay sa Tonight With Boy Abunda, hindi maitago ng aktor ang labis na kaligayan sa sinapit ng kanilang matamis na pag-iibigan. Sweet ang naging pahayag ni Ejay kung saan sinabi niya na si Jana na raw ang babaeng nakatadhana para sa kanya at sila na ang nakatadhana para sa isat-isa.




Marami sa mga tagahanga nina Ejay at Jana na talagang kinikilig sa ipinapakitang pagmamahalan ng dalawa. At talagang labis rin ang kaligayan dahil bagay na bagay ang mga ito sa isat-isa.