Kilalanin Ang Engineering Graduate Na Si Angela Muhlach, Ang Napakagandang Kapatid Ni Niño Muhlach

Si Angelo Rocha-Muhlach o mas kilala bilang Niño Muhlach ay 47-taong gulang na aktor, komedyante at dating kilalang bulilit actor. Kilala rin siya bilang ama ng bibong si Alonzo Muhlach na “mini me” ng kanyang ama. May mga kamag-anak rin sa industriya ng showbiz si Niño kagaya nina Aga at Sharlene Muhlach na kung saan ay mga pinsan niya. Ang kanyang mga magulang naman ay sina Alexander Muhlach at Rebecca Rocha.




Masaya naman ang kanilang pamilya lalo pa’t may lima siyang mga kapatid na handang tumulong sa kanya. Ngunit, lingid sa ating kaalaman, ang tinaguriang “Child Wonder of the Philippines” na si Niño Muhlach ay may napakaganda palang kapatid na kamakailan nga ay naging laman ng social media.

Ang nakababatang kapatid ni Niño ay nakilala bilang si Angela Muhlach. Bagamat, taglay ang napakaamo at napakagandang mukha, mas pinili pa rin ng dalaga na layuan ang mundo ng showbiz at unahin ang pag-aaral. Hindi naman nabigo si Angela sa kanyang napiling desisyon sapagkat nagawa niyang makapagtapos ng kursong Industrial Engineering sa De La Salle University at magkamit pa ng karangalan. Siya ang kauna-unahang miyembro sa kanilang angkan na nakapagtapos ng Engineering.

Ang dalagang si Angela ay tila napakapalad sa buhay upang makapag-enjoy sa edad na 24 taong gulang, na kung saan ay makikita na lahat ng kanyang plano ay nakatala sa kanyang bucket list.




Maliban sa paglalaan ng oras para sa pamilya, mahilig rin siyang mag-travel sa iba’t ibang lugar. Noong 2014 nga, nang magbakasyon siya at bisitahin ang ilang magagandang lugar sa Europe katulad ng London, Spain, Paris, Holland, Rome at Netherlands.

Noong 2015 naman, nang subukan niyang mag-skydiving sa United States of America. At kanya itong ibinahagi sa social media at kilakipan ng caption na: “Ocean City Skydiving Center at 21. I’ve reached 10,000 ft. in the air and had the most amazing seconds of my life! Officially a skydiver #ultimatebucketlist”.

Ang noong 2017 naman ay napagpasyahan niyang sa New York salubungin ang pagsapit ng Bagong Taon kung saan masasaksihan ang isang “ceremonial dropping of balls” na ginaganap sa Time Square sa New York City.




Samantala, labis naman ang pagmamahal ni Angela sa kanyang ama na si Alexander Muhlach at itinuturing niya itong kanyang prinsipe. Kaya naman walang duda na isa siyang “daddy’s girl” at nais na palaging kasama ang ama sa kanyang tabi.

Marami ang nakaagaw ng kanyang atensyon at nabihag niya ang puso ng publiko sa kanyang kagandahan. Marami rin ang nagnanais na makita siya sa telebisyon at maging sa pelikula. Hindi maitatanggi na taglay niya ang katangian ng isang artista na dapat hangaan ng publiko. Tiyak na bagay na bagay rin siyang maging leading lady ng mga gwapo at matipunong aktor sa industriya ng showbiz.