Si Wilma Doesnt ay kilala ng marami dahil sa kanyang taglay natural beauty. Nakilala siya bilang isang mahusay na modelo at host sa industriya. Bukod sa pagiging modelo at host, nakilala rin siya bilang isang artista at komedyante sa industriya ng showbiz na talagang hinangaan at nagbigay kasiyahan sa publiko.
Taglay nga ni Wilma ang kakaibang ganda na nangingibabaw talaga ang kanyang pagkakaroon ng natural beauty, at walang duda na namana ito ng kanyang dalagang anak na si Asiana.
Si Asiana ang isa sa tatlong anak ni Wilma, at hindi maitatanggi na nagmana ito sa kanya, na tila bang pinagbiyak na bunga ang dalawa dahil magkamukhang-magkamukha ang mag-ina. Hindi naman talaga maikakaila na napakaganda ni Asiana sa taglay na natural beauty, kaya naman marami ang nakaagaw ng pansin sa kanyang mga larawan,lalo na ang larawan na kuha sa kanyang Prom at kumalat pa nga ito sa social media.
Dahil taglay ni Asiana ang kagandahang namana sa ina, marami ang naniniwala na magiging isang magaling at sikat na modelo ang dalaga. Nasa katangian rin nito ang hinahanap sa isang beauty queen. Kaya naman maaari itong sumali sa mga beauty pageant o kaya naman ay lumaban sa Miss Universe.
Ang ina naman ng dalaga na si Wilma ay labis na ipinagmamalaki ang anak at suportado ang anumang naisin ng anak. Masaya namang ibinahagi ni Wilma ang mga larawan ni Asiana na kung saan ay labis na hinangaan ng mga netizens.
Bumuhos naman ng paghanga at papuri ang bawat larawan ni Asiana, lalo na ang larawang kuha sa prom night niya kung kaya’t umani ito ng napakaraming likes at comments.
Ayon kay Wilma, ang gown umano na suot ni Asiana ng gabing iyon ay gawa ng isang sikat na designer na si Randy Ortiz. Ang ayos naman ng buhok ng dalaga na talagang bumagay sa suot na gown ay inayos umano ni Jing Monis. Samantalang ang make up naman niya na mas lalong nagpalutang sa ganda ng dalaga ay gawa ng The BLOC by Junie Sierra & Co.
Labis rin ang pagmamahal ni Wilma sa anak na si Asiana, dahil nang magdiwang ang dalaga ng kanyang kaarawan, ipinaramdam at ipinaabot ni Wilma ang kanyang pagmamahal sa isang napakasweet na mensahe para sa anak.
“Happy Birthday Ate Asiana..thank you for being the best ate. May God continue to shower you w/ blessing. Buti na lang talaga kamukha kita. I love you and Im super proud of you. Continue to be the best person you always want to be”.
Bukod sa taglay na kagandahan ng dalaga, mahilig rin ito sa sports. At ang nakahiligan nga ng dalaga ay ang swimming na talagang ipinakita ang husay at galing sa larangan dahil nakapagkamit na ito ng gold, silver, at bronze award sa swimming competition.
Marahil ay marami na ang nakaabang sa tatahaking landas ni Asiana sa industriya. Maaari ring sumunod ito sa yapak ng kanyang ina sa pagiging modelo o kaya naman ay pag-aartista dahil hindi naman talaga maitatanggi ang ganda at talento ng dalaga na tiyak na magdadala sa kanya sa tagumpay.