Jimuel Pacquiao, Ibinunyag Ang Dahilan Kung Bakit Corvette Ang Napili Bilang Una Niyang Sasakyan

Isang pangarap na maituturing ang pagkakaroon ng isang sasakyan ngunit dahil may kamahalan ang halaga ng bawat kotse kinakailangang pagsumikapan upang makamit ito. Ngunit para sa anak ng isa sa mga pinakamayamang tao sa lipunan na si Jimuel Pacquiao, na anak ng tinaguriang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, kahit ano pang uri ng sasakyan ang naisin ay kayang-kayang magkaroon nito.

Kamakailan nga ay nagkaroon na siya ng vlog sa kanyang Youtube Channel na tampok ang kanyang bagong sasakyan na Corvette at higit na mas detalyado ang bawat pahayag sapagkat siya mismo ang magpapaliwanag tungkol sa kanyang napakagandang sasakyan.




Ayon kay Jimuel, naitampok na umano sa telebisyon at ibat-ibang programa ang kanyang sasakyan ngunit ngayon ay magiging espesyal ito dahil sa kanya mismo magmumula ang bawat detalye.

“This has been featured already on TV and in different shows but this is going to be more special because this is going to be coming from me,”

Sa unang bahagi ng video, ipinakita ni Jimuel kung ano ang hitsura ng makina sa loob ng Corvette. Isinaad ni Jimuel na ang taglay na makina ng Corvette ay V8 Engine.

“I think it is 450 horsepower. It is really fast because the car is also lightweight. Once you really try to push the car , you can go up to 100 [or] 200, really fast,”




Ibinunyag naman ni Jimuel ang dahilan kung bakit sa lahat ng sasakyan ay mas pinili niyang magkaroon ng Corvette bilang una niyang sasakyan.

“Everybody wants a Ferrari, Lamborghini and all that so like I wanted something different so when I saw the Corvette like maganda siya tapos simple lang and it’s like different from other cars,”

MY CORVETTE STINGRAY CAR TOUR (What's in my car?) | Jimuel Pacquiao

Maging ang loob ng trunk ng kanyang sasakyan ay ipinakita rin ni Jimuel. Talaga nga namang malaki ang pagmamahal nito sa boksing dahil agad na makikita ang boxing gloves sa loob, mayroon ring mga gamit sa panglinis at siyempre may ekstrang sapatos ring nakatabi ang binata sa loob ng trunk ng sasakyan.

Binigyang diin naman ni Jimuel ang mga magagandang katangiang taglay mula sa loob ng kanyang Corvette na sasakyan kagaya ng high-tech speakers, pilot shifters at reflector.

Marami ang humanga sa car tour vlog na ito ni Jimuel kung saan ay umabot na ito ng mahigit 1Million views.

PACQUIAO BUYS SON HIS FIRST CAR