Ivana Alawi, Kumikita Nga Ba Ng P1 Milyon Kada Araw Sa Youtube?

Talaga nga namang patok na patok ngayon ang mga vlog at dumarami narin ang mga vlogger na nagbibigay aliw at kasiyahan sa mga tao. Maging ang mga hinahangaan nating personalidad sa industriya ay pinasok na rin ang mundo ng vlogging upang mas lalo pang makapaghatid ng kaligayahan sa kanilang mga tagahanga.




Kadalasan, ang mga output ng kanilang vlog ay mapapanood natin sa kanilang Youtube Channel. Ang kanilang mga video ay sadyang nakakaaliw kaya naman marami na ang mga tagahangang sumusubaybay sa kanila. Ang ilan sa mga vlogger ay libangan lamang ang ginagawang video upang magbigay ng kasiyahan, ngunit kasabay nito ay nabibigyan rin sila ng pagkakataong kumita sa pamamagitan ng Youtube.

Isa nga si Ivana Alawi sa mga kilala at hinahangaang vlogger ngayon sa bansa. Napakaganda at sexy na babae ni Ivana at tiyak na maaaliw ka sa kanyang mga video. Nakakasama rin niya sa mga nakakatuwang video ang kapatid niya na si Mona.

Sa kasalukuyan ay umabot na ng 6 Million ang subscribers ni Ivana sa Youtube. At ang pinakamaraming views sa mga vlog na kanyang ginawa ay ang “A Day in my Life” na umabot na ng halos 20 million views.




Kamakailan nga ay gumawa na naman si Ivana ng isang video upang linawan ang isyu tungkol sa kinikita niya sa kanyang mga vlog sa Youtube. Binigyang linaw ni Ivana ang sinabi ng netizen na kumikita umano siya ng P1 Milyon kada araw sa kanyang mga vlog.

“Ang kinikita ko lang 6 digits. Hindi ‘yun totoo na parang kumikita ka ng 1 million per day. Pangalawa hindi ako sumali sa YouTube para sa kita,”

Ipinaliwanag naman ng kanyang kapatid na si Mona na ang pagkakaroon ng kita sa Youtube ay nakadepende sa iba’t ibang kadahilanan.

“Hindi naman totoo ‘yung sinasabi nila na every 1 million views kikita ka ng this amount. Hindi siya ganon. Per ad siya, per view, kung gaano katagal pinapanood ng tao, alin ‘yung ad, kung magcli-click,”

Ipinahayag naman ni Mona na hindi pera ang dahilan ng pagsali nila sa Youtube upang gumawa ng mga vlogs.

“Patience rin kasi sa YouTube kaya kapag sumali ka for the pera, I don’t know, I think huwag na lang,”




Samantala, ibinahagi naman ni Ivana na hindi niya ginagalaw ang perang kinikita niya sa Youtube dahil inilalaan umano niya ito sa pagbili ng bahay ng kanyang mama.

“Hindi ko ‘yun nagagastos kahit piso kasi pambili ko ‘yun ng bahay ni mama,”

Bagama’t, ang vlog ay isang paraan upang kumita sa pamamagitan ng Youtube, may mga sikat na artista pa rin ang hindi lamang nakabase sa perang kinikita kundi mas mahalaga pa rin sa kanila ang makapagbigay kasiyahan sa mga manonood. Kagaya na lamang ni Ivana na hindi mahalaga ang perang kinikita bagkus ang tanging nais lamang niya ay magkapaghatid ng saya sa mga manonood.

MUKBANG + ANSWERING YOUR QUESTIONS! | IVANA ALAWI