Gabby Concepcion, Ibinahagi Ang Kanyang Pinagkakaabalahan Habang Nasa Batangas

Bago pa man magpatupad ang gobyerno ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, marami na sa ating mga kababayan ang nagdesisyung lisanin muna ang Metro Manila at magtungo na lamang sa kani-kanilang probinsiya upang doon mamalagi habang sumasailalim sa lockdown.




Kagaya na lamang ng aktor na si Gabby Concepcion na mas piniling mamalagi sa Batangas habang naka-quarantine at hindi makalabas ng tahanan.

Ngunit, ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng aktor sa Batangas upang huwag mainip at maging kapakipakinabang ang mga araw habang sumasailalim sa quarantine?

Ibinahagi ng aktor na si Gabby Concencion ang simpleng pamumuhay sa kanyang farm na matatagpuan sa Batangas. Sa pamamagitan ng isang video, ipinakita ni Gabby ang kapaligiran sa kanyang kinaroronang lugar. Kasalukuyang namamalagi ang aktor sa Amang Lobo Homestead sa Lobo, Batangas. Napakaganda ng tanawin rito dahil malapit ito sa dagat, ipinakita rin ito ng aktor sa kanyang social media post.




“Goodmorning! I had some time on my hand so I decided to video and edit a little something at the Homestead. Check this out. I just uploaded a vlog sa YouTube,” sabi nito sa kaniyang Instagram post.

Ang video naman na tinutukoy ng aktor ay video na kuha noong Abril 22, kung saan ipinakita naman niya ang isang malawak na farm na may iba’t ibang klase ng halaman. May mga tanim rin ritong gulay kagaya ng kalabasa, at talong. May halamang gamot rin kagaya ng oregano. Makikita rin ang maraming puno ng saging na may puso.

Ibinida naman ni Gabby ang taong nangangalaga sa mga pananim na makikita sa video.

“Noemi is Ricky’s beloved wife. She takes care of the garden, plants, and our food. She is excellent in the kitchen and is a seasoned cook,” mensahe ni Gabby sa kaniyang video. “She loves her family dearly. Noemi ang Ricky have four children,” dagdag pa niya.




Ipinakita rin ng aktor ang mga alagang hayop sa nasabing farm kagaya ng kambing at mga manok, maging ang tinawag niyang “police dog” ay kanya namang ibinida.

Kinagiliwan naman ng marami ang simpleng paraan ni Gabby ng pagbibigay kasiyahan sa kanyang video.

Gabby Concepcion Experience - Amang Lobo Homestead Lobo Batangas