Dating Aktres na si Kim Delos Santos na Unang Nasilayan sa Palabas na T.G.I.F, ito na ang Buhay Ngayon na Puno ng Saya at Lungkot

Sa buhay pag-aartista, hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro kaligayahan ang mararanasan. Dumadaan rin sila sa mga daok ng pagsubok habang nasa karera at patuloy na inaabot ang mga pangarap.

Kadalasan, may mga artista na kahit sa unang pagkakataon pa lamang nasisilayan ng publiko ay kinagigiliwan na at marami na agad ang humahanga sa kanilang taglay na talento at husay sa pag-arte.




Ngunit, may ilang artista naman na habang namamayagpag ang karera sa industriya ay nasasangkot naman sa mga kontrobersya na nagiging sanhi ng paglubog ng karera at tuluyang pagkawala sa mundo ng showbiz.

Tiyak na maraming batang 90’s parin ang nakakakilala sa dating aktres na si Kim Delos Santos. Una natin siyang nasilayan sa drama series na T.G.I.S, isang programang hatid para sa mga kabataan na talagang tinangkilik ng marami at inabangan ng publiko dahil sa mga kahanga-hangang casts noong dekada 90.

Nakasabayan rin niya ang mga sikat na artista noong dekada 90, at ang ilan nga ay patuloy na namamayagpag ang karera ngayon kagaya nina Anne Curtis, Dingdong Dantes at Sunshine Dizon. Napanood rin ang husay at galing ng dating aktres sa mga pelikula at teleserye gaya ng “Ikaw Lamang” at “Anna Karenina”.

Si Dino Guevara naman ang nagbigay kilig sa kanilang tambalan bilang love team sa T.G.I S na kung saan nga ay nauwi ang malateleserye nilang pag-iibigan sa tunay na buhay, kung kaya’t naging tunay nga silang magkasintahan.

Ang kanilang pagmamahalan ay nauwi sa kasalan at nagsimula ng panibagong buhay, ngunit sa kanilang pagsisimula, dito na rin nagsimula ang mga dagok sa buhay ni Kim.

Ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay hindi naging maganda ang kinahantungan at nauwi ito sa hiwalayan. Naging kontrobersya at usap-usapan ang buhay nilang mag-asawa ng publiko. Kaya naman, humantong rin sa puntong nagbigay ng pahayag si Kim patungkol sa kinakaharap nilang mag-asawa at dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ayon kay Kim, sinasaktan umano siya ni Dino at may mga babae rin ito. Samantala, ang paratang na ito ni Kim ay sinagot naman ni Dino, at sinabi na mayroon umanong kinakasamang lalaki ang dating aktres. Ang bangayan ng mag-asawa tungkol sa kanilang relasyon ay nauwi naman sa huli sa annulment.

Dahil sa daok ng buhay na kinaharap ni Kim, napagpasyahan na lamang ng dating aktres na umalis sa mundo ng showbiz at magkaroon na lamang ng tahimik na buhay.

At noong taong 2005 nga, sa tulong narin ng tiket na ipinagkaloob ni Boy Abunda sa aktres, lumipad na ito patungong Amerika upang magsimulang muli ng tahimik at masayang buhay.

Sa New Jersey, USA nga natagpuan ni Kim ang kapanatagan na kung saan ay ipinagpatuloy niya ang buhay bilang isang dialysis nurse. Naging makulay rin ang buhay pag-ibig ni Kim dahil sa lugar ring iyon kanyang natagpuan ang muling nagpatibok ng kanyang puso at naengage nga noong taong 2013.

Patuloy pa rin namang masusubaybayan ang simpleng buhay ng aktres sa pamamagitan ng social media. Ayon pa sa aktres, kung mabibigyan siya ng pagkakataong muling makabalik sa industriya sa pangalawang pagkakataon, ay hindi niya ito palalampasin.