Daddy at Mommy na si Wowie De Guzman, Mag-Isang Tinataguyod ang Super Cute niyang Anak

Si Wowie De Guzman ay isa sa mga sikat na personalidad at hinangaan ng publiko noong dekada 90. Ipinamalas ni Wowie hindi lamang ang kanyang galing sa pagsasayaw, kundi hinahangaan rin ang kanyang husay at galing sa pag-arte.

Kaya naman, bumuhos ang biyaya at nagbukas ang pinto ng oportunidad kay Wowie sa pagkakaroon ng ibat-ibang pelikula na talagang hinangaan at tinangkilik ng publiko. Nakasama rin niya ang ilang mga beteranong artista at personalidad, kabilang na nga rito ang aktres na si Judy Ann Santos.




Ngunit, matapos ang ilang taong pamamayagpag ng kanyang karera, napagdesisyunan ni Wowie na lisanin ang mundo ng showbiz at pagtuunan na lamang ng pansin ang pagsayaw at sariling pamilya.

Napangasawa naman ni Wowie si Sheryl Ann at biniyayaan ang kanilang pagmamahalan ng isang anak. Ngunit, ang kanilang masayang pamilya ay napalitan nang lungkot nang pumanaw si Sheryl Ann noong 2014, matapos lamang ang ilang buwang panganganak sa kanilang anghel.

Isa nga itong matinding pagsubok na kahaharapin ng dating aktor. Napakasakit isipin at nakakalungkot na pangyayari dahil hindi na niya makakasama ang kaniyang asawa sa pag-aalaga at pagpapalaki ng kanilang anak. Nawala na ring parang bula ang mga pangarap na binuo nilang mag-asawa para sa kanilang pamilya.

Ngunit, hindi nagpatinag si Wowie sa pagsubok na ito dahil mas lalo pa siyang naging matatag para sa kanyang anak. Si Alexandra Rafaella na nag-iisang anak ni Wowie ang nagsisilbing lakas ng dating aktor upang huwag sumuko at magpatuloy sa buhay.




Limang taon na nga ang nakakalipas matapos mabiyudo si Wowie at patuloy na lumalaban sa buhay. Sa ngayon ay mag-isa niyang inaalagaan ang kanyang prinsesa kung saan siya na rin ang tumatayong ama at ina para kay Alexandra.

Makikita naman sa mga ibinabahaging larawan ni Wowie sa kanyang social media account ang pagiging malapit nilang mag-ama at makikita rin ang masayang bonding nilang mag-ama.




Hindi rin naman sinasayang ni Wowie ang mga pagkakataong makapaglaan siya ng oras sa kanyang anak upang maipasyal ito sa iba’t ibang lugar. Labis namang hinangaan si Wowie ng mga netizens sa ipinakita niyang dedikasyon at pagmamahal sa kanyang anak at hindi niya pagpaparamdam ng kakulangan sa kanilang pamilya.