Brgy.Ginebra Player Na Si Scottie Thompson, Ipinasilip Ang Kanyang Ipinapatayong Bahay

Si Earl Scottie Carreon Thompson o mas kilala bilang Scottie Thompson ay isang professional basketball player na kabilamh sa team ng Brgy. Ginebra. Namamayagpag ang karera ni Scottie sa larangan ng basketball, sa katunayan ay magkamit na siya ng karangalan kagaya ng Most Valuable Player Award, multiple championships at maging stint sa national team kung saan naging bahagi siya ng Gilas Pilipinas. Hindi maitatanggi na nagbunga na nga ang lahat ng paghihirap niya sa larangang napili. Kaya naman marami na siyang mga naipundar na ari-arian.




Maliban sa pagkahilig sa basketball, pinasok na rin Scottie ang mundo ng vlogging. Kamakailan nga ay tampok sa kanyang vlog ang kanyang ipinapatayong bahay. Bagamat hindi pa tapos at hindi pa maaaring malagyan ng kagamitan, masisilayan na ang ganda ng bagong tayong bahay .

Ipinasilip ni Scottie ang kabuuan ng napakaganda niyang tahanan ngunit ayon kay Scottie ay 80% pa lamang ang natatapos sa kanyang dream house. Nagustuhan raw niya ang lokasyon ng bahay dahil sa corner lot nito. Mas maluwag kasi ito at mayroong malawak na lote sa gilid na maaaring gawing parking.

Sa unang palapag ng bahay ay bubungad ang malawak nitong espasyo kung saan makikita ang receiving area, ilang banyo, malawak na dining at kitchen.

Mayroon rin itong sariling gym upang doon na lamang siya mag-work out. Makikita naman sa ilang silid ang mga kagamitan, ngunit hindi pa nakaayos ang mga ito. Ang iba pa nga sa mga ito ay nakabalot pa. Ayon kay Scottie, aayosin nila ang mga kagamitan kapag natapos na ang pagpapagawa ng bahay.

Pagdating naman sa ikalawang palapag, makikita ang mga silid kagaya ng master’s bedroom, guest room at maging ang silid na kanyang inihahanda bilang nursery upang magamit ng kanyang anak kung sakaling magkaroon na siya ng mga anak.




Ngunit, ang pinakapaborito niya umanong silid ay ang shoe room at video game room niya. Dahil nga matagumpay sa kanyang karera bilang basketbolista, nakahiligan na rin si Scottie ang mag-ipon ng iba’t ibang klase ng sapatos. Kaya naman dumami na ito ng dumami, kung saan ay napamahal na sa kanya kung kaya’t naglaan siya ng isang silid para sa mga ito. Sa shoe room na rin niya inilalagay ang kanyang mga gaming console.

Sa entertainment rack naman niya, hindi pa rin nawala ang pagmamahal niya sa sapatos dahil napapaligiran ito ng shoe rack na nagmistulang disensyo ng silid. Nais rin niyang maglagay ng barber chair sa silid para doon na rin siya gupitan. Mayroon kasing mga barber shop si Scottie.
Hindi rin naman magpapahuli ang bahay ni Scottie dahil mayroon rin itong swimming pool.

Kasalukuyang ginagawa ang bahay ni Scottie at tinatapos na ito upang maaari na siyang tumira dito. Maraming tagahanga ni Scottie ang natutuwa sa kanya dahil sa kanyang diskarte at tamang paggamit sa mga perang kanyang pinaghirapan.

Silipin natin ang bagong bahay ko!