Bossing Vic, Ipinagdiwang sa Kanilang Bahay ng Kanyang ika 66th Birthday Kasama ang Kanyang Pamilya

Patuloy na pinapairal ang enhanced community quarantine sa Metro Manila upang maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit na COVID-19. Kaya naman hindi pa rin makalabas sa mga kanilang tahanan ang ating mga kababayan. Maraming pagtitipon at aktibidad kagaya ng pagdiriwang ng ilang okasyon ang hindi rin magawa dahil sa pinatupad na social distancing.




Isa nga sa mga kasiyahan na hindi maaaring ipagdiriwang ng may maraming bisita dahil sa social distancing ay ang pagdiriwang ng kaarawan. Bagama’t, itinuturing na isang espesyal na araw ang pagdiriwang ng kaarawan at masayang ipagdiriwang kasama ang pamilya at mga kaibigan, hindi muna pinapahinlutulan ang pagkakaroon ng magarbong handaan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kaya naman si Bossing Vic Sotto ay ipinagdiwang na lamang ang kanyang kaarawan sa loob ng kanilang tahanan dahil sa pinapairal na lockdown na dulot ng COVID-19. Noong Abril 28 nga, masayang ipinagdiwang ni Bossing ang kanyang 66th Birthday. Bagama’t walang bisita at wala ang kanyang mga malalapit na kaibigan, masaya pa rin niyang ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa piling ng asawang si Pauleen at anak na si Tali.

Samantala, upang bigyang kulay ang kaarawan at batiin si Bossing, nagpahayag naman ng nakakaantig na mensahe si Pauleen para sa asawa. Nagbahagi rin ang aktres ng mga larawan ng masayang bonding ng mag-amang sina Bossing Vic at Tali.




Ayon sa 31 taong gulang na aktres, labis umano niyang pinapahalagahan ang pagiging mabuting asawa ni Bossing sa kanya at mabuting ama naman kay Tali.

Narito ang nakakaantig na mensahe ni Pauleen para sa kaarawan ni Bossing Vic na pinost niya sa Instagram:

“One of my most favorite photos of you. This photo shows how much you love being a father, and not many people know how much you love staying home with your family.

“Thank you for doing your best to be the best father to your kids and husband to me. Like what i said, i may not have a gift for you today, but you will always have my love, loyalty, respect and support. I thank God everyday for your life! HAPPY BIRTHDAY MY HUSBAND,”




Si Bossing Vic Sotto ay kilalang host at komedyante sa bansa. Ang kanyang asawa ay si Pauleen Luna na co-host naman niya sa Eat Bulaga. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng napakacute na anak na babae na nagngangalang Talitha.