Ang singer na si Angeline Quinto ay nakilala dahil sa kaniyang kahanga-hangang talento pagdating sa larangan ng musika. Dahil sa kaniyang husay at galing sa pagbirit, siya nga ang itinanghal na panalo sa “Star Power: Search For The Next Female Pop Superstar.”
Ngunit maliban sa kahanga-hangang talento ng singer, ay taglay rin nito ang pagiging matulungin at bukas palad sa mga nangangailangan. Ito nga ang tampok sa kaniyang vlog kung saan masasabi na tunay ngang napakabuting tao ni Angeline.
Sa kaniyang video episode nga, ipinamalas ni Angeline ang kaniyang pagiging bukas-palad kung saan inimbitahan niya ang mga batang kalye, at walang pag-aatubiling pinatuloy sa kaniyang tahanan upang kumain at maligo sa swimming pool.
Ayon kay Angeline, isa umanong masayang karanasan para sa mga batang kalye ang maranasan man lang ang makaligo sa swimming pool kung kaya’t napagpasyahan niyang imbitahan ang mga ito upang mag-enjoy maligo sa swimming pool at kumain ng masarap na pagkain.
Nagbahagi rin ang singer ng kaniyang masayang karanasan noong siya’y bata pa sa kaniyang paliligo sa baha.
“Alam niyo sa totoo lang hindi ko naman kailangan ikahiya pero dati kasi noong bata ako naranasan ko ring maligo sa baha.
“Dahil mahilig ako mag-swimming kapag baha sa amin, sa kanto namin, doon kami nagtatalunan ng mga kaibigan ko.”
“Kaya ang sarap lang siguro na makita mo ‘yung mga ganitong edad at nagulat sila na ako ‘yung nag-invite sa kanila,” pahayag pa niya.
Nakakatuwang isipin na ang kagaya ni Angeline na malayo na ang narating sa buhay ay hindi parin nakakalimot sa buhay na kaniyang pinagmulan at nagagawa pa niyang ibahagi sa iba ang mga biyayang kaniyang natatamo.
Talaga nga namang kahanga-hanga ang pagiging mabuting tao ni Angeline na kung saan ay nakapagpasaya ng mga batang kalye sa loob ng kaniyang tahanan at kaniya pa itong pinakain ng masarap na pagkain.
Tiyak na ang masayang karanasan na ito ng mga bata ay mananatili sa kanilang mga puso at isipan. Isang masayang karanasan na hindi malilimutan ng mga bata sa kanilang paglaki, na may isang mabuting tao kagaya ni Angeline ang nagbigay sa kanila ng pagkakataon na maranasan ang kinasasabikan ng mga batang tulad nila.