Angel Locsin Nagdonate Ng Karagdagang Tents Sa Mga Overcrowded na Hospital sa Metro Manila

Ang tinaguriang Darna ng telebisyon na si Angel Locsin ay muli na namang ipinamalas ang kanyang pagiging matulungin sa kapwa. Ngayon ngang nahaharapan ang bansa sa banta ng COVID-19, marami sa ating mga kababayan ang halos nasa hospital na upang mamonitor ang kalagayan ng kanilang kalusugan.




Kaya naman halos mapuno na ang mga hospital ng mga pasyente at wala ng silid para sa iba pang pasyente. Ngunit ang aktres at pilantropong si Angel Locsin ay nagdonate ng karagdagang mga tents para sa mga hospital upang patuloy na matulungan ang ating mga kababayan laban sa kumakalat na sakit na COVID-19 sa bansa.

Sa Instagram Story ng aktres, ibinahagi niya ang larawan ng mga bagong tents na nakaset up sa mga hospital sa Metro Manila. Kabilang sa mga hospital na nakatanggap ng mga tents upang kanilang magamit ay ang Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, at Metropolitan Medical Center.

Photo credits: therealangellocsin | Instagram

Ang pagtulong na ito ng aktres ay bahagi ng kanyang #UniTentWeStand fund raising campaign. Ang layunin ng kampanyang ito ay makapaglaan ng karagdagang silid sa mga hospital na kung saan ay puno na at wala ng bakanteng silid upang magamit ng mga pasyente dahil sa kumakalat na coronavirus sa bansa.




Photo credits: therealangellocsin | Instagram

Maliban sa mga tents na magsisilbing silid, nagbahagi rin si Angel noong March 31 na ang kanyang team kasama na nga rito ang kanyang fiancee na si Neil Arce ,ay nakagawa at ibinigay na donasyon ang sanitation tents na may misting machine at UV lights para sa mga frontliners sa Philippine General Hospital gamit ang perang kanyang nalikom mula sa fundraiser.

Photo credits: therealangellocsin | Instagram

Ang pagseset up ng mga tents ni Angel ay kanyang sinimulan noong Biyernes. At noong Lunes naman March 30, sinabi ng aktres na ang kanyang fundraiser ay naabot na ang goal at nakalikom na nga ng P3 Milyon para sa mga tents.




Photo credits: therealangellocsin | Instagram

Habang lumilipas ang panahon, parami ng parami ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Kaya naman mas makakabuti kung magtutulungan at magkakaisa ang bawat-isa upang agad matapos at masugpo ang COVID-19. Isang halimbawa si Angel na talagang ipinakita ang kanyang malasakit sa ating mga kababayan, lalo na sa mga frontliners na nanganganib ang buhay sa pagharap sa virus na patuloy na kumakalat sa bansa.