Ai-Ai Delas Alas, Ibinahagi Ang Kanyang Bagong Pinagkakakitaan Na Ube Pandesal Business

Habang tayo ngayon ay sumasailalim sa enhanced community quarantine, karamihan sa atin ay walang trabaho at walang mapagkakakitaan.

Kaya naman, ang ilan sa atin ay gumagawa ng paraan upang magkaroon ng kita para may magamit sa pang-araw-araw na gastusin. Naghahanap tayo ng maaaring mapagkitaan na makakatulong sa atin habang naka-lockdown at hindi makalabas sa ating mga tahanan.

Kagaya na lamang ng komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas na nakahanap na ng maaaring mapagkakitaan habang umiiral ang enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Abala na nga ngayon ang komedyante sa bago niyang negosyong pinagkakakitaan na ube pandesal. Sa nakaraang post sa Instagram, ibinahagi ni Ai-Ai ang kanyang paghahanda at pag-eensayo upang makuha ang perpektong lasa para sa kanyang ube pandesal business.




Sa naging panayam ni Ai-Ai sa Pep, sinabi niya na ang naging dahilan upang subukan niya ang ube pandesal ay ang kanyang asawa na si Gerald Sibayan. Ayon kay Ai-Ai, hinimok umano siya nito upang ialok sa publiko ang gawang ube pandesal at gawing negosyo.

“Parang aksidente lang siya. Iyong asawa ko, gusto talaga niya ng ube pandesal, so wala naman kaming mabilhan,” sabi ni Ai-Ai.

Nakapag-aral ng culinary si Ai-Ai, kung kaya’y natuto siyang mag-bake at gumawa ng mga tinapay kagaya ng pandesal.

“Marunong akong gumawa ng pandesal, binigyan ko lang ng flavor,” paliwanag niya.
Pagpapatuloy ni Ai-Ai: “So ayun, ang nangyari nagustuhan niya, so might as well [gawin kong business]. Nagustuhan din naman ng iba, e di, patikim ko na sa mga followers ko, ‘tsaka iyong mga nasa Instagram. Ganoon ang start nun.”

Gumawa na rin si Ai-Ai ng Instagram account para sa kanyang negosyo na pinangalanan niya ng Martina’s Bread and Pastries.

Dahil nga masarap ang sariling gawang ube pandesal, pumatok agad ito sa kanyang mga kaibigan at agad na nagkaroon ng mga customer kabilang na nga rito sina Aiko Melendez, Eugene Domingo, Ara Mina, Ogie Diaz, at maging si former Quezon City Mayor Herbert Bautista.




Maging ang ginawa niyang Instagram account para sa negosyo ay inuulan rin ng mga mensahe upang mag-oder ng ube pandesal.

Dahil umiiral ang enhance community quarantine sa Luzon, hindi muna siya makapag-deliver sa ibang lugar at tanging sa Quezon City lamang siya nakakapag-deliver ng kanyang gawang ube pandesal. Gamit naman ang mga delivery apps, ipinapadala ni Ai-Ai sa kanyang mga customer ang kanilang mga order.