Ang aktres na si Agot Isidro ay lantarang ipinapahayag ang kanyang pagpuna sa pamamahala ng kasalukuyang Duterte administration. Ang 53-taong gulang na aktres ay kadalasang ginagamit ang social media upang ipahayag ang kanyang pagkadismaya at obserbasyon sa mga maling ginagawa ng gobyerno. Kaya naman, marami sa Duterte supporters ang tinuligsa ang Kapamilya actress sa social media upang ipagtanggol ang pangulo.
Kamakailan nga, ang mga Duterte supporters ay nakahanap ng paraan upang tuligsain at punahin rin ang aktres. Matatandaan na noong 2019 ay ibinahagi ni Agot ang kanyang bagong hairstyle sa Instagram kung saan ang kanyang style ng gupit ng buhok ay naka-bangs. Ito na nga ang nakitang pagkakataon ng mga Duterte supporters kung saan kinuha nila ang naturang larawan ng aktres at ginawan ng memes. Ngunit, higit na kumalat sa social media ang pagkumpara ng aktres sa beteranong komedyante na si Palito.
Ilang Duterte supporters nga ang napagkatuwaan ang larawan ni Agot at in-edit ito pagkatapos ay ikinumpara kay Palito.
Ayon sa mga ito, ang pagkakahawig ng dalawa ay walang kabuluhan ngunit kung inaakala nila na matitisod at masasaktan ang damdamin ng aktres, nagkamali sila. Dahil imbes na ikalungkot ito ng aktres ay natuwa pa at tinanggap ito ng aktres, sa katunayan ay nag-alay pa ito ng tribute sa yumaong komedyante.
“Dear DDS, If you think I am offended by this, I am not. Palito is a legend. I am quite honored, actually. So thank you for this.”
Nag-alay nga ang aktres ng isang tribute sa yumaong komedyante na kung saan ay maituturing na isa sa mga hinangaan at tiningalang artista sa industriya ng showbiz noon dahil sa husay at galing sa pag-arte at pagbibigay ng kasiyahan sa mga manonood.
Sa kabila nito, napagpasyahan ni Agot na i-block ang mga Duterte supporters na patuloy siyang pinupuntirya sa kanyang Twitter account. Kasabay nito, sinabi ng aktres na, ang timeline niya, ay rules niya.
“But please, take your pea-brains out of my TL, because I am blocking you. My TL, my rules.”
Gayunpaman, maraming tagahanga ang nagpaabot ng suporta kay Agot. Ang ilan pa sa mga ito ay nagbigay ng komento. Ayon sa kanila, ang mga Duterte supporters ay masyado umanong mababaw sa pagpuna na pisikal na kaanyuan ng tao, imbes na magbigay umano ang mga ito ng makabuluhang argumento upang pag-usapan.
Narito ang ilang komento ng mga netizens na nagpahayag ng kanilang opinyon.