Ang pagkakaroon ng isang anak ay maituturing na isang biyaya mula sa Maykapal. Kakaiba ang hatid na kaligayahan sa pamilya ng mga sanggol, na tila napapawi nila ang taglay na kalungkutan sa tuwing sila’y pagmamasdan. Kaya naman, bilang magulang labis natin silang iniingatan at minamahal. Ngunit, higit ang kaligayahan ng isang ina sa tuwing hahagkan ang anak dahil lahat ng hirap at sakrispisyo ay agad napapawi.
Kagaya na lamang ng bagong ina na si Solenn Heusaff na hindi rin matatawaran ang pagmamahal sa kanyang anak. Dahil nasa industriya ng showbiz, kinakailangan niyang ingatan at protektahan ang kanyang anak sa magulong mundo ng showbiz. Ngunit, kinakailangan rin na maging handa sa bawat pagkakataon dahil bilang isang personalidad ay nananatiling nakatuon sa kanya ang mga mata ng mga tagahanga. Kaya naman, maging ang kanyang anak ay nais ring makilala at masilayan ng kanyang mga taga-hanga.
Matapos nga ang apat na buwan nang isilang ng aktres na si Solenn Heusaff ang kanyang anak na si Baby Thylane Katana, ay nagpasya na siyang ipakita sa publiko ang mukha ng kanyang munting anghel sa unang pagkakataon.
Noong Abril 29, sa kanyang Instagram account, labis na ipinagmamalaki ng bagong ina na si Solenn ang napakacute na mukha ng kanyang anak. Nagbahagi rin ang aktres ng mga larawan nilang mag-ina. Ayon sa aktres, naeenjoy raw niya ang bawat minutong kasama ang kanyang anak habang naka-quarantine.
“Best days at home getting to know your pure gentle soul.
“Te amo Thylane….. de tout “mon coeur [with all my heart]!”
Tinukso pa ni Solenn ang asawang si Nico dahil hindi nila ito kasama at sinabi:
“Sorry @nicobolzico this is just a girls pica… you can’t hang with us!”
Dahil maraming mga tagahanga ang sumusubaybay at sabik makita ang cute na mukha ng kanyang anak, pinagbigyan na ni Solenn ang kahilingan ng mga ito kung kaya’t nagbahagi siyang muli ng larawan ni Thylane sa kanyang Instagram story.
Nilakipan niya naman ito ng caption na:
“I’ll only share you sometimes. My little happy pill.”
Una nang ipinasilip ni Solenn si Baby Thylane sa publiko noong Marso 11, 2020 sa Instagram story. Ngunit, sa naturang larawan ay hindi makikita ang kabuuang mukha ni Baby Thylane. Tanging mga mata lamang ni Baby Thylane ang makikita sa larawan, na ayon kay Nico ay sa kanya ito namana ng anak.
Sa isa namang Instagram story, sinabi ni Solenn na kaya hindi siya nagpopost ng larawan ng mukha ng kanyang anak ay dahil hindi siya nagmamadaling masilayan ito ng publiko.
“People keep asking why I haven’t posted Thylane yet. Though I eventually will sometimes, I am not in a hurry and [still] enjoying her every change. She is so precious”, saad ni Solenn.
Ang mag-asawang Nico at Solenn ay unang nasilayan ang kanilang cute na anak noong Enero 1, 2020.