Connect with us

Entertainment

‘Vice Ganda’ Ibinida Ang Kanyang Agaw-Atensiyon Na Mamahaling Bayong Sa Kilalang Amanpulo Beach

Hindi maitatanggi na si Vice Ganda o Jose Marie Viceral sa tunay na buhay ay isa sa hinahangaan ng maraming Pilipino sa mundo ng showbiz.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram


Bukod kasi sa pagiging magaling na komedyante, isa rin siyang magaling na aktor, mang-aawit, author, at isa sa pinaka kinakaaliwang regular TV host sa sikat na prorgrama ng ABS-CBN tuwing tanghali, ang “It’s Showtime,” maging sa sarili niyang palabas na “GGV” o Gandang Gabi Vice.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram

Ipinanganak siya noong Marso 31, 1976, bilang bunso sa limang magkakapatid na kasabay niyang lumaki sa lugar kung saan sila isinilang, sa José Abád Santos sa Manuguit, Tondo, Maynila. Maagang naulila sa ama si Vice dahil ang kanyang ama na isang kagawad ng barangay ay napaslang. Dahill dito kinailangan ng kanyang ina, na si Mommy Rosario Viceral na maghanapbuhay sa ibang bansa bilang isang caregiver upang suportahan ang kanyang pamilya.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram


Subalit hindi naging madali ang buhay ni Vice noon dahil sa maagang edad ay kinailangan na niyang magsimulang magtanghal sa mga comedy bar sa Ermita, Maynila, lubos naman ang pagpapala na tinatamasa niya sa ngayon dahil sa kanyang successful na career at maging sa kanyang lovelife.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram

Nitong nakaraan nga lamang ay pinasilip niya sa kanyang mga tagahanga at followers sa Instagram ang kanilang napaka-sweet na selebrasyon para sa Valentines Day. Walang iba kundi isang bonggang bakasyon kasama ang kasintahan na si Ion Perez sa napakagandang resort sa Amanpulo, Palawan.

Sa kabilang banda, bukod sa mga sweet photos nilang dalawa, ibinida din ng kilalang Kapamilya comedian-host ang kanyang mga beach OOTDs, isa na rito ay ang larawan sa ibaba kung saan ng ala-Baywatch babe si meme Vice suot ang kanyang pulang swimsuit na may Gucci logo-print.

Photo Credit: Vice Ganda Instagram


Sa caption pa niya sa kanyang post ay sinabi niya ang salitang:
“Ooooops!!! Wag mainggit just appreciate!”, pahayag pa dito ng Kapamilya artist.

Nakaka-lula din ang presyo ng kanyang OOTD, dahil ayon sa website ng lyst.com, ang halaga ng nasabing swimsuit ay US$490 o halos PHP25,000.

Ngunit mas pumukaw sa atensyon ng mga netizens ang bayong na inirampa din ng Unkabogable Star. Maliban kasi sa malaki talaga ito na kahit sa malayo ay kitang kita pa rin, galing pala ito sa mamahaling French fashion label na “Jacquemus.”

Photo Credit: JACQUEMUS Instagram

Ang malaking bayong ni Vice o mas kilala sa tawag na “Le Grand Baci” ay kasama sa luxury brand na spring/summer “La Riviera” 2019 collection. Mabibili ito sa halagang US$790 o PHP41,000 sa Farfetch.com, ngunit sa kasalukuyan ay naka out-of-stock status.


Pabiro namang nag-komento and Kapamilya actress na si Bella Padilla sa kanyang post, “Pakilabas nako sa bag please.”

Photo Credit: J U G S J u g u e t a Instgram

Habang ang kanyang co-host sa It’s Showtime na si Jugs Jugueta ay hindi napigilan na mapansin ang laki ng kanyang bayong, “@praybeytbenjamin Ang laki naman ng bag mo!”

Samantala hindi naman mapigilan na ma-curious ng kilalang celebrity stylist na si Liz Uy kung ano nga ba talaga ang laman ng mamahaling bayong ni meme Vice, saad niya: “Anu laman?”

error: Content is protected !!