Talaga nga namang kaabang-abang ang buhay ng ating mga iniidolong mga personalidad sa industriya ng showbiz.

At hindi tayo nagpapahuli sa mga kaganapan sa buhay nila lalong-lalo na sa buhay pag-ibig. Maraming kilalang personalidad ang natagpuan ang kanilang tunay na pag-ibig sa tinahak nilang larangan. At ang ilan sa kanila ay ating nasaksihan kung pano nila ipinaramdam ang pagmamahal sa isat-isa. Sa tulong na rin ng makabagong teknolohiya at social media ay agad nating nasisilayan ang mga larawan na naghahatid ng kaganapan sa kanilang buhay.

Isa sa mga kilalang personalidad sa industriya na talagang makikita ang tunay na pag-ibig sa isat-isa ay ang magkasintahang sina KZ Tandingan at TJ Monterde. Walang duda na maraming humahanga sa magkasintahan dahil sa kanilang magagandang larawan sa Instagram. Mga larawan na nagpapakita ng kanilang pagmamahal sa isat-isa, may larawan ng malalaking teddy bear, at kanilang mala-rollercoaster na paglalakbay bago sapitin ang panghabang-buhay na pag-iibigan na talagang hinahangaan ng marami.

Maliban sa mga magagandang kuha ng mga larawan, ay maganda rin ang kanilang tandem na talagang bagay na bagay sila sa isat-isa. Dahil pareho lang naman sila ng mundong ginagalawan na kung saan ay parehong may pagmamahal sa musika. Alam naman nating lahat na isang kilalang magaling na singer si KZ, samantalang si TJ naman ay kilala bilang isang singer-song writer na nagmula sa Cagayan de Oro.

Ngunit paano nga ba nagsimula ang kanilang walang-hanggang pagmamahalan?
Sa isang episode sa programang Magandang Buhay, isiniwalat ni KZ ang kanilang love story. Ayon sa singer, ang kanyang co-X Factor hopeful na si Kedebon Colem ang dahilan kung paano nagsimula ang lahat.

Si Kedebon umano ay namalagi ng maikling panahon sa lugar ni KZ upang magpahinga at mag-unwind. Ito rin ang panahon kung saan una niyang nakilala si TJ sa pamamagitan ng singer na si Martin Nievera. Nakatrabaho ni Martin si TJ at dati rin siyang mentor ni Kedebon sa X-Factor Philippines. Kinuha naman ni TJ ang pagkakataong ito upang tanungin si Kedebon kung kaibigan nito si KZ,at agad naman itong sumagot ng oo at sinabi pang kasalukuyan siyang namamalagi sa bahay ni KZ.
Ngunit wala pang nangyayari nang panahong iyon sa pagitan nina KZ at TJ dahil ang buong akala ni KZ ay nobyo ni Kedebon si TJ, ito ay nang magsimulang mamalagi si Kedebon sa bahay ni TJ at malimit na niyang makita ang kaibigan niyang ito.

Ngunit, sino nga bang mag-aakala na ang inakalang karelasyon, ay siya palang magiging tulay sa kanilang dalawa?
Si Kedebon ang nagsilbing tulay sa pagitan nina KZ at TJ upang makilala ang isat-isa. Sinabi ni Kedebon kay KZ na nais itong makita ni TJ at ganun din pla ito.
Kaya naman ang magandang samahan nina KZ at TJ ay nagsimula sa pagkakaibigan, ngunit hindi ito nagtagal dahil matapos lamang ang dalawang taon ay nagsimula nang manligaw si TJ kay KZ. At hindi nga nagtagal ay nakamit na rin ni TJ ang matamis na pag-ibig ni KZ at nang sumunod na taon nga ay ganap na silang magkasintahan.

Ngunit, hindi lamang dito natatapos ang kanilang pag-iibigan dahil noong nakaraang taon lamang buwan ng Disyembre ay na-engaged na sina KZ at TJ matapos ang apat na taon bilang magkasintahan.
At noong Pebrero 28, araw ng Biyernes ay kanila ngang ibinahagi ang kanilang pren-up photos para sa kanilang engagement shoot na ginawa sa Japan.

Parang kailan lang na ang dalawang pusong nagmamahalan ay nagliligawan pa lamang, ngunit ngayon nga ay kanila nang natagpuan sa isat-isa ang tunay na pagmamahal na talagang mauuwi sa walang-hanggang pag-iibigan.