Connect with us

Entertainment

Silipin: Sariling Style Na Face Mask Ni Heart Evangelists Para Proteksiyon Sa CoVid-19

Sa biglaang pagdami ng kaso ng mga tinamaan ng CoVid-19 sa ating bansa hindi maiwasang mangamba ng bawat Pilipino.

Photo Credit: Heart Evangelista Instagram

Mula sa mga simpleng mamamayan hanggang sa mga kilalang personalidad ay talagang nag-aaalala sa kanilang magiging kaligtasan.


Para maka-iwas sa pagkakaroon nito ay nagpaalala ang mga kinauukulan sa mga hakbang na maaring gawin. Mula sa personal na kalinisan hanggang sa pagsusuot ng nararapat na proteksiyon ay ipinanukala. At isa sa mga maaring makatulong upang maka-iwas sa kumakalat na CoVid-19 virus ay ang pagsusuot ng mask bilang proteksiyon sa mga makakasalamuhang ibang tao.

Photo Credit: Heart Evangelista Instagram

At para sa aktres na si Heart Evangelista hindi nakaapekto sa pagiging fashionista niya ang banta ng kumakalat na epidemya. At upang maka-iwas dito at mapanatili pa rin niya ang magandang postura ay naisipan niyang gumawa ng sariling design na ‘fashionable’ na face mask.

Photo Credit: Heart Evangelista Instagram


Sa kanyang social media ay ibinahagi niya ang sariling gawa na facemask na dinisenyuhan niya ng mga mamahaling ribbon. Kasama ng 35 taong gulang na host-aktres ang kaibigang stylist na si Katrina Cruz-Villanueva sa paggawa ng naturang ‘fashionable’ face mask na maisusuot niya tuwing mayroon siyang mga lakad.

Photo Credit: Heart Evangelista Instagram

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi niya ang larawan ng kanyang sariling disenyong mask at inilahad niya kung paanu niya ito naisip gawin.

Photo Credit: Heart Evangelista Instagram


“We are coming up with masks that are more pretty because life goes on and there’s work and wala akong choice. We are making ourselves fashionably safe. -We are using all of our old ribbons to make this work. We’re gonna make this happen”

Sabi pa ng magandang maybahay ni Senador Chiz.

Photo Credit: Heart Evangelista Instagram

At para magawa ang fashionable mask gumamit ang magkaibigan na sina Heart at Katrina ng mask na mula sa Japan na ‘Pitta Mask’ at isang pangkaraniwan na filter face mask. Sa ngayon ay may dalawa ng ‘fashionable’ face mask ang “Starstruck” judge na magagamit niya sa tuwing siya ay aalis at lalabas.

error: Content is protected !!