Connect with us

Entertainment

Silipin: Sariling Pundar Na Bahay ng Aktor na si Nash Aguas Na Matatagpuan Sa Las Vegas, Nevada U.S.A

Published

on

“There is something permanent and something extremely profound in owning a home -Kenny Guinn”, gaano nga ba kasarap sa pakiramdam para sa isang taong nangarap na magkaroon ng sariling tahanan ang sandaling makamtan na niya ito. At marahil ay magiging sobra-sobrang kasiyahan ang mararamdaman na hindi makakayang matumbasan ng anumang halaga.


At para sa binatang aktor na si Nash Aguas labis-labis na katuwaan ang kasalukuyan niyang nararanasan matapos niyang matupad ang isa mga nais niyang makamtan sa kanyang buhay. Matapos ang ilang taon na matiyagang paghihintay ay napasakamay na rin niya sa wakas ang isa sa pinakamimithi-mithi niya sa buhay ang magkaroon ng sariling bahay.

Credits: Nash Aguas Instagram

Unang nakilala si Nash noong 5 taong gulang pa lamang siya kung saan lumabas siya sa noontime variety show na “MTB” ng sumali siya portion na ‘Batang F4’. At noong taong 2004 ay sumubok siya sa ‘Star Circle Quest’ ng Kapamilya network at pinalad na itanghal bilang ‘Grand Kid Questor’. Pagkatapos noon ay naging sunod-sunod na ang kanyang naging proyekto katulad ng Luv U, Doble Kara, Bagito at The Good Son.


Sa kanyang Instagram account ay masaya niyang ipinakita ang bagong bahay na kanyang naipundar mula sa kanyang pagiging artista. Dahil sa sipag at tiyaga ng ‘A Soldier’s Heart’ aktor ay nagawa na niyang makabili ng sariling bahay sa U.S.

Credits: Nash Aguas Instagram

Makikita sa naturang post ang isang larawan habang masayang ipinapakita niya ang mga hawal-hawak na dokumento na nagpapatunay na siya na ang nagmamay-ari ng nabili niyang bahay sa Las Vegas, Nevada,
“zackwey Finally, this house is officially and legally mine!!!! Thank You po! ?☝️”, paglalahad pa ng 21 taong gulang na aktor.

Ilang mga kapwa artista at maging tagahanga ang bumati sa kanyang tagumpay,
“angelikadelacruz Yey happy for you @zackwey”,
“iamheroangeles ? Grats Nash!”,
“lucas_aljohn Solid!!! Congrats lodi ???”,
“almamay.pineda You deserved it Nash kc mabait ka sa kapwa mo kaya ka maraming blessings kay Lord. Wag ka lang magbago.God bless”,
“khatzzy Kakatuwa ang batang to marunong sa pera ?”,
“anngalabin @zackwey wow nakakaproud.. more bless..??more bless”,
“tineusebio_ Congrats dashiell Happy for you Katas ng pinag hirapan! Solid ?loveyou?”.

Credits: Nash Aguas Instagram

Sa naturang post ng dating “Going Bulilit” child actor ay nabanggit niya na nagawa niya yun sa tulong ng Ina at ng iba pang kamag-anak,
“Dahil po iyon kay mommy hehe sobrang kuripot nya po kasi jkjk pero magaling po kasi sya magsave kaya natutunan ko po sakanya iyon. Tsaka dahil na rin po sa tito at tita ko sa states na tumulong sakin maayos lahat para maging possible yung pag invest ko ng bahay sa US”, pagpapaliwanag pa ni Nash.


error: Content is protected !!