Silipin: Malaking Farm Na Pagmamay-ari Ni Kapamilya Pop Star Royalty Sarah Geronimo-Guidecelli

Ilang mga netizen at tagahanga ang hindi pa rin makapaniwala na nagpakasal na ang kanilang idolong Kapamilya singer na si Sarah Geronimo sa matagal ng kasintahan na si Matteo Guidecelli. At naging usap-usapan din ang nangyaring komprontasyon ng ina ng singer na si Mommy Divine sa anak ng pumunta ito sa idinaos na reception pagkatapos ng kasal.



Marami pa rin ang nagtataka kung bakit ganoon na lamang ang hindi pagsang-ayon ng ina ng aktres sa pag-iibigan ng dalawa lalo na sa naging desisyon nila na pagpapakasal. Ilang mga hindi kumpirmadong impormansyon na ninais pa ni Mommy Divine na papirmahin pa sa isang pre-nuptial agreement si Matteo bago Niya mapakasalan ang kasintahan. Dahil dito hindi maiwasan ng ilan na mag-isip na may kinalaman sa usaping pera kung bakit ayaw ni Mommy Divine na maikasal ang anak.

Sa isang lathalain ay nabanggit kung gaano nga ba talaga kalaki ang net worth ng Popstar Royalty. At sa datos pa nga Bureau of Internal Revenue ay isa si Sarah sa mga artistang pinakamalaking magbayad ng buwis sa kanilang tanggapan. Bukod pa sa kinikita sa pagiging artista, singer, model, host, at brand ambassador ay may ilan na din negosyo ang kanyang naipundar.

Isa naman sa maituturing na pinakamalaking naipundar ng “The Voice Teens” coach ay ang farm na pagmamay-ari niya na matatagpuan sa bayan ng Tanay, Rizal. Sa pagbisita pa nga ng isang solar power provider ay ipinasilip nila ang pagmamay-aring farm ng Kapamilya artist.



 

Makikita sa mga ibinahaging larawan ng solar power provider ang malawak na farm na natatamnan ng iba’t ibang uri ng mga halaman at mga puno na hitik na hitik sa mga bunga. Isa pang nagpaganda sa nasabing farm ay ang pagiging solar powered nito. Mula sa farm ay nakaka-ani ang singer-aktres ng marami at iba’t ibang uri ng mga pananim na prutas.







At masasabing dahil sa hilig ni Sarah sa mga tanim ay nagtayo siya ng mga negosyo na related dito katulad na lamang ng pagmamay-ari ng kanilang pamilya na Geronimo’s Cafe and Restaurant na sa kasalukuyan ay pinamamahalaan ng kanyang mga magulang.