R&B Singer Jay-R At Kasintahan na si Mica Javier Nagpakasal Na Sa Boracay

Lahat tayo ay nagnanais na makatagpo ng taong magmamahal at makakasama natin habang-buhay.

Photo Credit: Mica Javier Instagram




Nais nating ang pag-ibig na alay sa bawat isa, ay mauwi sa isang matagumpay na pagsasama bilang mag-asawa. Sino nga ba ang tatanggi sa kasal, na isang biyaya mula sa Maykapal? Lalo na kung ang iyong pakakasalan ay ang taong mahal at nais mong makasama habang-buhay.

Photo Credit: Mica Javier Instagram

Kaya naman ang Prince of R&B na si Jay-R ay pinatunayan na isang tunay na pag-ibig ang kanyang alay sa kasintahan na si Mica Javier, isang actress-singer dancer nang kanya itong pakasalan sa Boracay.

Kamakailan lamang nang mauwi ang pag-iibigan nina Jay-R at Mica sa pag-iisang dibdib. Araw ng Linggo, ika-1 ng Marso sa napakagandang lugar ng Boracay. Sa The Lind Boracay, isang 5 star beachfront hotel, ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib. Ang naturang hotel ay sadyang napakaganda dahil mayroon itong maluho at magarbong pasilidad.

Photo Credit: Mica Javier Instagram




Ang bride na si Mica ay hindi maitatanggi ang kagandahan, bagamat simple ang kanyang ayos ay napalutang naman ang kanyang kagandahan ng suot niyang damit pangkasal na may maikling butterfly sleeves at plunging neckline. Ang naturang magandang kasuotan ni Mica ay dinisenyo umano ng isang Israeli designer. Samantalang si Jay-R naman ay handang-handa na sa suot niyang white tuxedo na talagang makikita ang magandang tindig at kakisigan ng singer. Ang tuxedo na suot ni Jay-R ay dinisenyo naman ng isang Pinoy designer.

Ang simple ngunit sagradong okasyon na iyon ay dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan ng dalawa kabilang sina KC Concepcion, Denise Laurel, Iya Villania, Coleen Garcia, Billy Crawford, Kris Lawrence, Jason Dy, Jaya, Miss International 2016 Kylie Versoza at ang management team ni Jay-R sa Cornerstone.

Photo Credit: HomeWorkz Music

Habang dinaraos ang seremonya ay naging emosyonal si Mica habang binabasa ang wedding vow para sa kanyang mapapangasawa na si Jay-R.

“You helped me become a better “manang” to my siblings, and a better daughter to my father. And that is invaluable”

Saad ni Mica na isa sa mga miyembro ng all-female dance group na GirlTrends.

Labis ang kasiyahan ni Mica sa mga sandaling iyon at kanya ring pinasalamatan si Jay-R dahil parati itong nasa tabi niya upang tulungan sa mga oras na siya’y nahihirapan at may mga kinakaharap na problema sa buhay.




Photo Credit: Mica Javier Instagram

Ang napakaespesyal na araw na ito ng kanilang buhay ay masayang ibinahagi ni Mica sa kanyang Instagram.

“Mr. & Mrs. Jay-R and Mica Javier Sillona. Happiest day of my life. So grateful. So much love”

Puno ng kaligayahang post sa Instagram ni Mica.

Photo Credit: Mica Javier Instagram




Matatandaan na noong 2012 ay nagsimulang magdate ang dalawa upang kilalanin ang isat-isa. At noong Nobyembre 2013 nga ay kanilang kinumpirma ang kanilang relasyon. Matapos naman ang ilang taong magkarelasyon bilang magkasintahan ay nauwi na ito sa proposal ni Jay-R kay Mica na ginanap noong October 2018.

At ngayon nga ay ganap na silang mag-asawa na talagang pinatunayan ang kanilang pagmamahalan sa napakagandang lugar ng Boracay. Congratulations!