“Queen of Nature”: Modelo, Gumamit Ng Mga Dahon Upang Makalikha Ng Magandang Kasuotan At Kahanga-hangang Mga Larawan

Ang kalikasan ay isang biyaya mula sa Maykapal na talagang kapaki-pakinabang sa ating pamumuhay, maliban dito ay kaaya-aya ring pagmasdan ang mga tanawin na hatid nito.

Photo Credit: Bryan Montañez Facebook




Marami ang maaaring maging gamit at pakinabang ng kalikasan sa atin, ngunit nitong nakaraan lamang ay pinag-uusapan ang isang bagong diskubreng talento na sa social media dahil kanya lang namang ginawang mas kapaki-pakinabang ang produkto ng kalikasan.

Photo Credit: Bryan Montañez Facebook

Si Bryan Montañez ay nagsimula ngang lumikha ng kanyang sariling pangalan upang makilala ng publiko. Ang 20 taong gulang na ito, ay may kakaibang talento dahil ang nakasanayan nating produkto ng kalikasan na ating ginagawang gulay at pagkain ay kanyang ginawang napakagandang kasuotan. Ang modelo ito na mula sa Pagadian City, Zamboanga Del Sur ay nakapaglikha ng napakagandang larawan dahil sa kakaiba niyang kasuotan na mula sa kalikasan kagaya ng dahon ng gabi, saging, niyog, papaya at marami pang iba.

Photo Credit: Bryan Montañez Facebook




Nakadagdag ganda rin sa kakaibang disenyo ng kanyang kasuotan ang kanyang mahusay at magaling na pagdadala ng kasuotan na talaga nga namang binigyan niya ng karakter na nakatulong rin sa photographer upang makakuha ng magagandang larawan na may tamang timing sa pagkuha ng bawat litrato.

Photo Credit: Bryan Montañez Facebook

May larawang kuha na tila lumilipad siya sa hangin na parang isang gymnast habang nakasuot ng kasuotan na gawa sa dahon ng niyog, at talaga nga namang pak na pak ang kuha nito dahil tila naka-toss pa siya sa bunga ng niyog.

Photo Credit: Bryan Montañez Facebook




Mayroon rin namang larawan na kuha habang siya ay tumatalon sa tubig at naka-awra talaga ang kanyang mukha habang damang-dama ang ganda ng kanyang kasuotan na yari naman sa dahon ng gabi, at para may kompleto ang kanyang kakaibang outfit, may hawak pa siyang dahon ng gabi sa kabilang kamay na nakataas samantalang ang kabilang kamay naman ay nakahawak sa kanyang bewang.

Photo Credit: Bryan Montañez Facebook

Talaga nga namang pinatunayan niya na karapat-dapat siyang tawaging “Queen of Nature” dahil pak na pak at sadyang napakaganda ang kanyang mga malikhaing kasuotan na sinamahan rin ng perfect timing na kuha ng photographer sa bawat larawan.

Photo Credit: Bryan Montañez Facebook




Ayon kay Bryan, kanya rin umanong tinatawag ang sarili bilang Queen Maureen. Ngunit, noong una raw ay sadyang mahiyain siya at walang interes sa social media. Hanggang isang araw, napagpasyahan niyang magpalit ng profile picture sa kanyang facebook gamit ang kanyang sariling mukha at litrato.

Photo Credit: Bryan Montañez Facebook

Sa naging panayam sa kanya sa Je Mai Youtube Channel, sinabi niya na ang mga magagandang larawan ay kuha umano sa kagubatan. Dahil hindi naman talaga maikakaila ang pagiging malikhain at ganda ng larawan, ang mga ito ay agad ngang nagviral. Ang ilang netizens ay pinagtawanan siya, ngunit mayroon rin namang nagpakita ng kanilang interes at paghanga sa kanya na kung saan ay nagbigay ng positibong komento at hinikayat pa siya upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.

“Excellent! Just wow! Indeed, geniuses can be found in the most unexpected place.”

“Salute to a highly creative and artistic passion to the model. Also, a big wow to the photographers for a marvelous capture.”