Isa sa mga inaabangang buhay pag-ibig ng magkapareha sa industriya ng showbiz sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

Bagama’t nagbunga na ang kanilang pagmamahalan ng dalawang supling, ay hindi parin mawawala sa kanila ang magkaroon ng isang kasal upang magsama bilang ganap na mag-asawa.
Kaya naman ngayon nga marami na ang nasasabik sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng dalawa ngayong taon buwan ng Marso.

Ngunit hindi lang ito basta simpleng kasalan ng mga artista dahil ngayon pa lang ay laman na sila ng balita at social media. Kadalasan, unang napag-uusapan ang gown na susuotin ng bride sa araw ng kanyang kasal, ngunit sa kasalang Sarah at Richard ay mas higit na pinag-uusapan ang mga principal sponsors. Hindi rin naman basta-bastang tao lang sa lipunan ang kanilang mga sponsors at talagang mapapa-wow ka na lang. Maaaring ang kasalang ito ay maituturing na “wedding of the year” na talagang tatatak sa sambayanang Pilipino.

Mainit ngang pinag-uusapan ngayon sa social media ang post ng isang netizen na nagngangalang “Jacqueline” dahil sa kanyang post makikita ang wedding invitation nina Sarah, kung saan makikitang bongga at puro bigatin ang mga principal sponsors.

Ang mga larawang ibinahagi niya ay nagmula naman sa “Fashion Pulis”.
Sa larawan ng imbistasyon ng “Gutierrez-Lahbati Nuptials”, makikita ang mga bigating pangalan ng mga principal sponsors ng kanilang kasal. Karamihan ay may matataas na katungkulan sa pamahalaan at may matataas na estado sa lipunan. Kaya naman tila isang malaking reunion ng politiko ang magaganap na kasalan ng dalawa.

Hindi biro ang mga principal sponsors ng kanilang kasal, dahil tatlong pangulo agad ng ating bansa ang dadalo sa kanilang kasal. Nangunguna sa listahan ang mga dati at kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Gloria Macapagal–Arroyo, at Joseph Ejercito Estrada.

Maging ang ilang senador at kongresista kasama ang kanilang asawa ay hindi mawawala sa listahan ng mga sponsors. Kagaya na lamang ng mag–asawang Senador Tito Sotto III at Helen Gamboa, Secretary Narciso Santiago, Jr at Senadora Cynthia Villar, Secretary Salvador Panelo, Senador Manny Pacquiao at misis nitong si Jinkee, Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Congressman Ferdinand at Congresswoman Yedda Romualdez, Mayor Richard Gomez, at Congresswoman Lucy Torres–Gomez. Kasama rin sa listahan si Mayor Luis “Chavit” Singson.

Maliban sa mga politikong sponsors, mayroon rin siyempreng sponsors na nagmula sa industriya ng showbiz at may nagmula rin sa mga naglalakihang network company. Kabilang dito sina Megastar Sharon Cuneta at ang matriyarka ng Regal Films na si Mother Lily Monteverde. Principal sponsors din ang President/CEO ng dalawang magkalabang tv network; sina Carlo Katigbak ng ABS–CBN at Atty Felipe Gozon at ang kaniyang asawa, ng GMA Network. Kasama rin ang may–ari ng Bench company na si Ben Chan, at marami pang iba.
May mga sikat na artista rin na kasama sa entourage at seremonya, bukod sa mga kaanak na Gutierrez na artista rin, ay sina Bela Padilla, Yassi Pressman, Coleen Garcia–Crawford, Aga Muhlach at Charlene Gonzales–Muhlach, Robin at Mariel Padilla, Angel Locsin, at Vice Ganda.
Maraming netizens ang namangha sa bonggang sponsors ng kanilang kasal kaya naman umani ito ng ibat-ibang komento at reaksyon mula sa publiko.
“Panalong–panalo ang mga principal sponsors. Tiyak na marami rin ang magiging gifts… sana all!”
May isang netizen na nagbiro pa at nagsabi na magkikita-kita ang mga taong may gaps:
“Hindi basta–basta ang mga sponsors hahaha. At ang epic, magkikita–kita ang mga may gaps, gaya nina PGMA at Erap, tapos si Carlo Katigbak at si Felipe Gozon, idagdag mo pa si President Duterte. Awkward!!!”
Walang duda na marami na ang nakaabang sa kasalang ito, principal sponsors at mga bisita pa lang ay kapanapanabik na, tiyak na mas bongga at kaabang-abang rin ang magiging kaganapan sa kasal.