‘Miss Granny’ Star Na Si Nova Villa, Masaya Para Kay Sarah Geronimo Na Maranasan Ang Tunay At Wagas Na Pag-ibig

Ang beteranang aktres na si Nova Villa o Novelita Villanueva Galigos sa totoong buhay ay hinangaan ng publiko sa kanyang mga natatanging palabas at pelikula. Isa siyang mahusay at magaling na aktres na kung saan ay nagkamit pa ng dalawang parangal bilang best actress sa telebisyon sa Star Awards.




Ang parangal na Best Comedy Actress ay kaniyang napanalunan noong taong 1991 sa “Abangan Ang Susunod Na Kabanata”. Samantalang taong 1998 naman nang muli siyang nanalo sa Star Awards bilang Best Comedy Actress sa sitcom na “Home Alone Da Riles. Ang mga kinaaliwang programa na ito ay ipinalabas sa ABS-CBN. At noong 2018 naman, gumanap siya bilang Feliza “Fely” Malabaño sa comedy-drama na “Miss Granny” kung saan ay kauna-unahan niyang proyektong pelikula na ginampanan sa pag-aartista bilang bida matapos ang ilang dekada.

Sa pagsisimula ng beteranang aktres sa kanyang karera hanggang sa kasalukuyan ay naging matagumpay, kaya naman marami na siyang mga naging masasayang karanasan sa industriya.

Sa naging panayam ng PUSH sa Miss Granny star, sinabi ng aktres na hindi na niya itinuturing na passion ang pag-arte niya ngayon sa telebisyon at pelikula, kundi isang misyon.

“Alam mo, sabi ko nga, hindi na ano, eh, it’s not a passion anymore—it’s a mission”

Pero dumating yung oras na—sa dami ng—yung nanay, mga lola, kita mo naman 73 na ako, siyempre yung mga nanay ng millennials ngayon tsaka mga lola nila, ang lagi nilang sinasabi, ‘Tita Nova, pag napapanood ka namin nakakalimutan ko yung sakit ko.’ It’s because I made them laugh. Alam mo naman yung epekto ng laughter, di ba, nakaka-ano yan. Noon pa nila sinasabi sa akin yan and up to now.” pahayag ng beteranang aktres.

Ayon rin sa aktres, masaya naman siya sa kanyang mga naging karanasan at kontento na siyang hindi na siya yung artistang tinitilian ng mga fans.




Nag-best supporting actress ako sa Guillermo may mga fans na tumitili para kay Nora (Aunor), eh, pero hindi naman dumating si Nora. Sabi ko, ‘Dito walang titili sa akin. Yung mga nanay n’yo nandiyan, parinig nga.’ Ayun, nagtilian naman sila, nando’n kasi yung mga nanay saka mga lola,” natatawa pang kuwento ng comedy actress.

Masaya rin niyang ibinahagi sa PUSH ang isang hindi malilimutang karanasan sa proyekto niyang Miss Granny. Ang pelikulang Miss Granny, na pinagbidahan ni Sarah Geronimo ay talagang tumatak sa kanyang puso at hindi niya malilimutan dahil sa dami ng nominasyon na kanyang nakuha bilang best supporting actress.

“Nagtataka talaga ako kung bakit ang dami kong nomination sa Miss Granny, parang hindi na natapos-tapos yon last year, sunud-sunod, eh. And I’m very proud na nakasama ko ang isang Sarah sa movie and yet hindi ko siya nakaeksena, kasi di ba ako rin siya.

Bagama’t kasama niya si Sarah Geronimo sa pelikula, hindi niya umano ito nakaeksena sapagkat, si Sarah rin ang gumanap ng katauhan niya sa pelikula. Nakita na lamang niya ang aktres sa premire night ng pelikula.




“Sa premiere night ko nga lang nakita si Sarah noon Sabi ko, ‘Hi Ms. Sarah,’ ako na yung gumanun. ‘Tita Nova,’ nag-embrace kami. Ano ako, na-star struck ako sa kanya kasi ang bait niya,’” pagre-recall pa niya.

At ngayon nga ay masaya na si Sarah sa piling ng asawang si Matteo na kamakailan lang nang maikasal at pinatunayan ang kanilang wagas na pag-iibigan. Kaya naman ang beteranang aktres na si Nova ay nagpaabot naman ng kanyang munting hiling para sa dalawang bagong kasal.

“Happy ako for her. I mean, ito na yung… matagal na siyang dalaga. It’s about time na ma-release ka na at ma-feel mo na talaga kung ano ang pag-ibig, magmahal, yung ganun, kaya I’m happy for her.

Sa huli, sinabi niya na sana makamit nito ang tunay na kaligayahan.

Best wishes. Talaga naman I wish her all the best, the happiness. Go, go, go!”