Mga Taga-hanga Ni Dawn Zulueta, Ipinagdiwang Sa Kanyang Kaarawan Ang Walang Kupas Niyang Kagandahan

Isa sa mga hinahangaang may napakagandang mukha sa industriya ng showbiz sa mahabang panahon ay ang aktres na si Dawn Zulueta.

Photo Credit: Dawn Zulueta Instagram




Bukod sa kagandahang taglay ay mahusay ring umarte ang aktres kaya naman marami na siyang nagawang protekto na talagang nagpaunlad sa kanyang karera.

Si Maria Rachel Salman Taleon-Lagdameo sa totoong buhay at nakilala naman natin bilang Dawn Zulueta sa telebisyon ay nagsimula sa kanyang karera bilang artista noong 1986. Dahil talaga nga namang may angking galing at husay ang aktres sa pag-arte, naging matagumpay ang kanyang karera.

Photo Credit: Dawn Zulueta Instagram




Ilan lamang sa kanyang nakamit na parangal ay mula sa FAMAS (Filipino Academy of Movies Arts and Sciences) na kung saan ay naparangalan siya bilang Best Lead Actress sa pelikulang “Hihintayin Kita sa Langit” at Best Supporting Actress naman sa pelikulang “Una Kang Naging Akin” noong taong 1991. At naparangalan rin siyang “Supporting Actress of the year in the Film Academy of the Philippines ” sa pelikulang Una Kang Naging Akin.

Naging Box Office Queen rin siya noong taong 1994 sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation Entertainment Award na kung saan ay nahirang bilang may pinakamalaking kinita sa pelikulang “The Maggie Dela Riva Story: God Why Me”

Photo Credit: Dawn Zulueta Instagram

Ngunit, higit na kaabang-abang ang naging tambalan nila ng aktor na si Richard Gomez na kung saan ay talagang naging matagumpay noong kanilang kapanahunan.

Ilang taon na ngang nasa industriya ng showbiz ang aktres na si Dawn, at patuloy pa rin itong namamayagpag kaya naman ang kanyang mga taga-hanga ay patuloy na sumusuporta sa kanyang karera at maging sa bawat kaganapan ng kanyang buhay.

Photo Credit: Dawn Zulueta Instagram




Kamakailan nga nang siya ay nagdiwang ng kanyang ika-51 taong kaarawan. Ang espesyal na araw na ito ay masayang ipinagdiwang ng kanyang mga taga-hanga, na talagang ipinakita ang pagmamahal at pagsuporta sa aktres.

Sa facebook group ng Memories of Old Manila, ibinahagi ng mga taga-hanga ni Dawn kung gaano nila kamahal ang aktres, kanila ring binigyang pansin ang walang kupas na kagandahan ng aktres sa pamamagitan ng pagbahagi ng mga throwback photos at kasalukuyang mga litrato niya na kung saan ay nagpapakita na tila hindi nadadagdagan ang edad ng aktres sa pagdaan ng ilang taon dahil talaga nga namang mukha pa rin itong bata at sadyang napakaganda pa rin sa kabila ng kanyang edad na 51.

Photo Credit: Dawn Zulueta Instagram

Kaya naman, hindi maikakaila ang labis na paghanga ng mga netizens sa kanyang walang kupas na kagandahan at nagpaabot rin ang mga ito ng pagbati sa aktres.

“She is more beautiful now and she is aging gracefully. Happy birthday, Dawn!”

“Parang 25 years old lang, Happy 51st birthday, Miss Dawn Zulueta!”

“Happy birthday, Miss Dawn Zulueta! You still look young and beautiful at 51. Walang kupas talaga ang kagandahan mo. God bless you always.”

“I saw her in Ternocon 2020. She’s very, very beautiful. Hindi tumatanda.”