Ilang linggo na nga ang nakakalipas nang maganap ang sikretong kasal nina Matteo at Sarah na ginanap sa Taguig City, at ngayon nga ay napapabalita na naman ang kanilang nalalapit na kasal sa Italy.

Bago pa man pumutok ang kontrobersyal na sikretong kasal ng dalawa, ay plano na nilang maikasal sa bansang Italy, ngunit dahil nga sa mga di inaasahang pangyayari ay nagkaaberya ang kanilang plano. Kaya naman ngayong ganap na silang mag-asawa ay lakas-loob na kinumpirma ng aktor na si Matteo na ang kanilang orihinal na plano na maikasal sa Italy ay tuloy na tuloy na, ngunit kanilang iniingatan ang mga detalye ng kanilang paghahanda sa magaganap na kasal, dahil ang bawat detalye ay magiging sikreto upang hindi na maulit ang gulong naganap noong nakaraan.

Ayon sa blind item ng fashion pulis, ang mga magulang umano ni Sarah na sina Mommy Divine at Daddy Delfin ay pinapahiran sina Sarah sa pagpoprosesa ng kanilang mga papeles na kinakailangan para sa kanilang kasal. Kaya naman, walang duda na paniwalaan ito ng mga netizens, dahil talaga nga namang makikita sa mga kilos ng mga magulang ni Sarah na ayaw ng mga itong maikasal ang singer kay Matteo.

Ngunit ngayong ganap na ngang mag-asawa ang dalawa, at kanila ng naituloy ang sikretong kasal, wala ng dahilan pa upang pigilan sila ni Mommy Divine kung saan mang lugar nila nais gawin ang grand wedding.
Narito ang isang panayam kay Matteo makaraan ang ilang linggo matapos ang kanilang sikretong kasal. Makikita na talagang masaya na si Matteo na naikasal siya kay Sarah.

Sa video, ipinarating ni Matteo ang kanyang pasasalamat sa mga netizens sa walang sawang pagsuporta sa kanilang pag-iibigan at pagbibigay ng moral support sa kanila. Nang tanungin naman siya kung tuloy ang kasal sa Italy, ay agad niya itong kinumpirma. At oo, tuloy na tuloy na nga ngunit hindi nagpahayag ng anu mang detalye ang aktor, kundi isang “secret” na tugon ang kanyang isinagot. Mahahalata na talagang ayaw niyang magbigay ng tiyak impormasyon kung kailan ito gaganapin. Mukhang nais niyang maging sikreto ang mga detalye sa kanilang kasal sa Italy.

Hindi man nagpahayag ng detalye ang aktor, ayon naman sa ilang ulat ay talagang nalalapit na ang kanilang kasal sa Italy dahil sa nasagap na balita na nagbayad na umano ang bagong kasal sa kanilang supplier. Talagang kanilang pinaplano at pinag-iisipang mabuti ang bawat hakbang na kanilang gagawin upang maging masaya ang kasal. Ngunit, sa mga oras na ito kaya ay makakasama na nila si Mommy Divine?

Bagama’t naging magulo at hindi nagkakasundo ang mga magulang ni Sarah at ang bagong kasal, marami paring umaasa sa mga netizens, at maging ang bagong kasal na sana ay matanggap na ni Mommy Divine ang mga pangyayari at magkaroon ito ng pagbabago ng desisyon upang suportahan sina Sarah at Matteo sa panibagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa.
At higit sa lahat ay matanggap na niya si Matteo para kay Sarah upang magkaroon ng basbas ang kanilang pagsasama, na kung saan ay maging masaya ang kanilang pinapangarap na kasal at naroon ang kanilang mga magulang upang maging saksi ng kanilang wagas na pagmamahalan.