Matteo Guidecelli Sobrang Proud At Very Supportive Sa Asawang Si Sarah Matapos Maging Muse Para Sa PBA

Sino bang hindi avid PBA televiewer ang hindi nag-abang sa muling pagbubukas ng ating pambansang liga.

Photo Credit: Tristan Tamayo


Nitong linggo lang ay muling nagbukas ang ika-45 na season ng ating Philippine Basketball League kung saan maraming mga tagahanga ang talagang masayang nag-antabay para muling masilayan ang mga kani-kanilang sinusuportahang mga koponan.

Photo Credit: Tristan Tamayo

Samantala, bukod sa kilalang star player ng liga ay talagang pinaka-abangan din ang mga naggagandahang mga dilag na magrerepresent bilang muse ng bawat koponan. At talaga naman ng magsimula ng rumampa ang bawat team kasama ang kani-kanilang mga muse ay talagang hindi na magkandamayaw ang mga nag-aabang na mga fans.

Photo Credit: Tristan Tamayo


At isa sa talagang nagpagkulay din ng gabi na iyon ay ang pagdalo ng kilalang singer-aktres na si Sarah Geronimo-Guidecelli na nakasuot ng emerald green na dress na may halong white pumps. Ang 31 taong gulang na Kapamilya host ang tumayong muse para sa team na Phoenix Fuel Master. At kahit pa katatapos pa lamang ng kanyang kontrobersiyal na pagpapakasal sa asawang si Mateo ay kaagad na nagbalik siya sa pagtatatrabaho at naging bahagi kaagad ng engrandeng okasyon.

Photo Credit: Tristan Tamayo

Kasama ng “The Voice Teen” coach ang iba pang naggagandahang mga dalaga katulad nila
Miss Universe 2013 Ariella Arida at si Katrina Llegado na kandidata sa 2019 Reina Hispanoamericana. Samantala, naroroon din ang Kapuso star na si Sanya Lopez at ang kapwa Kapamilya artist na si Kathryn Bernardo na personal pang lumapit at bumati kay Sarah.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram


Sa kabilang banda, very supportive naman ang gwapong asawa ng “Pop Star Royalty” na si Matteo na kasama niyang dumalo sa naturang event. At makikita pa sa isang video na masaya silang nagkekwentuhan ng asawa bago pa ito lumabas kasama ang mga player ng Phoenix Fuel Master.

Photo Credit: Tristan Tamayo

Ginanap ang ika-45 Season opening ng PBA sa kilalang Smart Araneta Coliseum kung saan tumayong muse sina Sarah sa Phoenix Fuel Master, Kathryn Bernardo para sa koponan ng Magnolia StarHotshots at ang sexy aktres na si Sanya Lopez para sa koponan ng Barangay Ginebra.