Connect with us

Entertainment

Masdan: Nakaka-aliw Na Bagong Tiktok Na Video Ni Idol Raffy Tulfo

Sinu ba ang hindi nakikisabay sa pinakabago at usong-usong online application na ‘Tiktok’ na talagang bumihag sa panlasa ng mga Pinoy. At masasabing patuk na patok talaga ito mula sa ordinaryong mamamayan gayundin sa mga sikat at kilalang personalidad.

Photo Credit: Raffy Tulfo Instagram


Marami ang talagang nagulat na maging ang batikang newscaster na si Raffy Tulfo ay game na game na sumabay sa sikat na sikat na online video application. At dahil sa kilala ang mamamahayag na matapang na lumulutas sa mga suliranin na idinudulog ng ating mga kababayan ay talagang hindi nila inaasahan na makikisabay ito sa nauusong video app.

Photo Credit: Raffy Tulfo Instagram

Sa Instagram account ng kilalang Idol Tol Raffy ay inupload niya ang kanyang bagong gawang video at inanyayahan pa niya ang mga tagahanga na na ifollow din ang kanyang opisyal na “Tiktok” account,
“raffytulfoinaction Mga Idol, let’s do Versace duet challenge on TikTok! Follow me on TikTok @ raffy tulfo inaction”, caption pa dito ng beteranong newscaster.

Photo Credit: Raffy Tulfo Instagram


Sa naturang Instagram post ay mapapanuod ang pinakabagong Tiktok video ng Kapatid newscaster kung saan makikita na sumasabay ito sa awitin ni Bruno Mars na ‘Versace on the floor’ sa loob ng 15 segundo. At kapansin-pansin din ang suot-suot na malaking kwintas ng mamamahayag na kanyang ipinapakita pa habang game na game na sumasayaw sa online video application.

Photo Credit: Raffy Tulfo Instagram

Sa loob lamang ng ilang oras ay marami na ang nakapanuod sa Tiktok video ng 60 na taong gulang na broadkaster at masasabing nakatulong dito ang pagbabahagi din niya sa naturang video sa kanyang iba pang social media account.

Photo Credit: Raffy Tulfo Instagram


Ilang mga tagahanga ng “Aksiyon sa Tanghali” news anchor ang masayang-masayang nagpaabot ng mensahe sa kanilang idolo dahil sa ‘good vibes’ na hatid ng kanyang ‘Tiktok’ video.

“jonathanerilopez More and more ❤️❤️❤️ Hindi ko alam na may ganito palang nakakaaliw na sense of humor ang tulfo.”

“veejijii Natatakot ako kung tatawanan koto baka ipa tulfo ako”

“ianodi ??? ko sa nangyayari sa mundo ngayon pampagoodvibes idol! nawala Yung stress”

“korobochi ??? ibang klase lodi lumelevel up hahaha!”

“chinitaprincess28 Idol,Magandang araw po! Narito po ako para isumbong po si Idol Raffy. Kasi po nagtitiktok na din po kasi siya. Di ko po labis na maisip na gagawa siya ng ganitong video. Hahaha”.

error: Content is protected !!