Connect with us

Lifestyle

Masdan: Bagong Bahay Na Naipundar Ni ‘Hashtag’ Dancer Zeus Collins Para Sa Kanyang Pamilya

Sa araw-araw na tumututok tayo sa programang ‘It’s ShowTime’ hindi maaring hindi natin hangaan ang grupong ‘HashTag’ na talagang mahuhusay pagdating sa kanilang performance lalung-lalo na sa pagsasayaw. Hindi maikakaila na nahuli nila ang kiliti ng mga madlang pipol.

Photo Credit: Zeus Collins Instagram


At isa sa tumatayong lider at kuya ng grupo ay walang iba kung hindi ang binatang tubong-Rizal na si Zeus Collins na pagdating sa husay sa pagsayaw ay talagang tinitilian. Sa kanyang husay sa pagsayaw, pagkanta at maging sa pag-arte ay talagang napatunayan niya na nararapat siya sa industiyang kinabibilangan.

Photo Credit: Zeus Collins Instagram

Subalit bago pa man naabot ni Zeus ang kinalalagyan ngayon ay maraming mga pagsubok ang kanyang hinarap at pinagdaanan. Sa lungsod ng Pasay kung saan sila lumaki ay maagang namulat sa kahirapan ang pang-anim na anak ng mag-asawang Cesar Arellano at Maria Arellano na tinatawag din na Collins Arellano.

Photo Credit: Zeus Collins Instagram


At habang lumalaki si Zeus sa lugar ay naranasan nilang magpapamilya na magtiis dahil walang regular na trabaho ang kanyang ama samantalang isang OFW naman ang kanyang ina. Hindi rin naging madali ang pag-aaral para sa miyembro ng “HashTag” dahil nakaranas siya ng pambubully mula sa kapwa mag-aaral noong siya ay nasa elementary pa lang. At maging ng tumungtong siya ng highschool ay nagpatuloy pa rin ang pambubully sa “Wildflower” cast.

Photo Credit: Zeus Collins Instagram

Inamin din ng 26 na taong gulang na binata na naranasan nilang mabaon sa utang, magbenta ng tirahan at mahiga sa matigas na sahig. May pagkakataon din na isang beses na lang sila kumakaing magpapamilya at halos sa loob ng dalawang taon ay wala silang kuryente. Sa lahat ng mga masamang karanasan ay naging kasiyahan na lang ng Kapamilya artist ang kinahihiligan niyang pagsasayaw.

Photo Credit: Google Image


Dahil sa mga pangyayari ay kinailangan na ni Zeus na tumigil sa kanyang pag-aaral at magsimula ng maghanapbuhay sa edad na 15 anyos kung saan naging daan upang kumita siya ay ang kanyang angking husay sa pagsasayaw. Nagsimula siya bilang isang theater group dancer kung saan sumasayaw siya at ang kanyang mga kasamahan sa isang bar at noong panahon na iyon ay kumikita siya ng halagang 150 sa loob ng isang araw.

Photo Credit: Google Image

Hindi tumigil sa pagsasayaw si Zeus may isang pagkakataon na nagtrabaho si bilang mine sa ‘Baywalk’ na matatagpuan sa Roxas Boulevard. At masasabing ang kanyang hilig ang naging daan upang makapasok siya sa mas malaking opurtunidad.

Sa kabilang banda, hindi rin naging ganoon kadali ang naging daan ni Zeus sa tinatamong tagumpay ngayon dahil nakaranas din siya ng pagkabigo noong unang pagkakataon na sinubukan niyang sumali sa reality show na Pinoy Big Brother. Subalit hindi iyon naging dahilan upang tumigil siya sa kanyang pangarap at ng lumabas siya sa isang portion sa programang ‘It’s ShowTime’ ay kaagad siyang kinausap upang kunin na housemate para sa Pinoy Big Brother: 737

Photo Credit: Google Image


Matapos siyang lumabas sa ‘Bahay Ni Kuya’ ay mas maraming opurtunidad ang nagbukas sa kaniya naging kabahagi siya ng “Hashtag”, naging co-host na rin siya sa ilang show sa Kapamilya network. Bukod sa pagsasayaw ay naging cast din siya ng ilang teleserye katulad ng ‘Wild Flower’ at ‘Ang Probinsyano’. Bumida rin siya sa pelikulang Fantastica kung saan nakasama niya Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Photo Credit: Google Image

At ngayong matagumpay na siya tinupad na niya ang isa sa pangarap niya hindi lang para sa sarili gayundin sa kanyang mahal na pamilya. Masasabing lahat ng kanyang pagtitiis at pagsasakripisyo ay nasuklian matapos niyang makapagpatayo ng isang bagong bahay para sa kanilang magpapamilya.

“Umiyak kaming lahat. September pa lang tapos-tapos na, tapos excited kami mag-Pasko. Sabi namin, magpa-Pasko na. Sa buong buhay namin, first time namin sa ganitong maayos na bahay”

Pagbabahagi pa ng gwapong binata.

Photo Credit: Google Image


At mula sa premyong nakuha niya bilang isang housemate ay sinimulan na niyang ipaayos ang dating tinitirhan at higit pang nakatulong para dito ay ng manalo siya sa Kapamilya game show na “Minute-To-Win-It” ng isang milyong piso. Pansamantala silang nanirahang magpapamilya sa isang lugar sa Novaliches habang kasalukuyan pang ginagawa ang kanilang bagong tahanan. At ng matapos na ang pagsasa-ayos nito lamang nakaraang taon ay magkakasama silang nagdiwang ng kanyang pamilya ng una nilang kapaskuhan at bagong taon sa kanilang bagong tahanan.

Photo Credit: Google Image

Samantala, isa pang nagpapasaya kay Zeus ngayon bukod sa bagong bahay nilang magpapamilya at tagumpay sa kanyang career ay ang kasintahan na si Pauline na kamakailan lang ay sinagot na siya. At kahit sobrang busy sila sa kani-kanilang mga pinagkakaabalahan dahil isang flight attendant si Pauline ay nagagawa pa rin nilang maglaan ng oras sa isa’t isa.

Sa lahat ng tagumpay at pagpapalang natanggap ni Zeus ay hindi niya nakakalimutan na ito ay natamo niya sa tulong ng Panginoon.

“Kaya ko natupad ‘yung pangarap ko dahil sa pananalig ko sa Panginoon. Lagi akong nagdadasal, lagi akong nagpapasalamat sa talent na binigay sakin”

Pahayag pa nito.

error: Content is protected !!