‘Mangarap Ka Ng Sobra’: Kiray Celis, Nagbahagi Ng Kanyang Kwento Sa Pag-abot Ng Pangarap Niyang Spongebob-themed Bedroom

Ang aktres na si Kiray Celis ay nagsimula at nakilala sa programa ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit na talagang kinagiliwan ng publiko.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram




Bata pa lamang siya nang magsimula sa industriya ng showbiz ngunit dahil sa pangarap niyang mabago ang buhay at maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan, nagsumikap ang aktres sa kanyang karera at matagumpay nga nitong naabot ang mga pangarap na hinahangad.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram

Kaya naman makalipas ang ilang taong pangungupahan ng kanyang pamilya, nakabili na siya ng bagong bahay para sa mga ito na dalawa’t kalahating taon na ngang masayang naninirahan rito. Ang 24 taong gulang na aktres ay labis ang nararamdamang kasiyahan sa natupad niyang pangarap na ito para sa kanyang pamilya. Na maging ang pangarap niya na magkaroon ng sariling silid-tulugan ay labis rin ang hatid na kasiyahan sa kanya.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram




Noong ika-14 nga ng Marso, masayang ibinahagi ni Kiray sa Instagram ang kwento kung paano siya nagsimula sa pag-abot ng kanyang pangarap.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram

Sa post na binahagi ng aktres sinabi nito na yung ibang bata raw ang may nais na agad maging paglaki, ngunit siya ay wala pa raw siyang gustong maging paglaki. Pero iisa lamang ang natatangi niyang sagot sa tuwing siya ay tatanungin, ang magkapera upang mabilhan ng sariling bahay ang kanyang ina.

“Halos lahat ng bata, may pangarap. Gusto nila paglaki nila maging teacher, doctor, pulis at kung ano ano pa.”

“Ako po noon, nagtataka ako bat wala akong gustong maging paglaki ko. Pero isa lang sinasagot ko sa tuwing tinatanung ako noon kung anong pangarap ko.”

“Ang lagi kong sinasagot, ‘Pangarap ko po magkaroon ng pera para mabili ko ng sarili bahay sila mama.”

Photo Credit: Kiray Celis Instagram




Nagbahagi rin ang aktres ng mga larawan kung paano siyang nagsimula sa Spongebob Squarepants collectibles niya, hanggang sa makabuo na siya ng kwarto na punong-puno ng Spongebob, na maging ang dingding ay may dekorasyon ng cartoon character. Maging ang bathroom niya ay may disenyo ring Spongebob, ang closet niya at iba pang kagamitan ay pawang ang paborito niyang cartoon character na si Spongebob. Talagang may temang Spongebob ang buong bahagi ng kanyang kwarto, na napakagandang tingnan dahil sadyang napakacute naman talaga ni Spongebob.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram

“Gusto ko lang po i-share sainyo tong picture ng kwarto ko. Actually kwarto namin kasi kasama ko sa iisang kwarto si mama, papa at bunso namin. Pero ngayon po may sarili nakong kwarto.”

Nakakatuwa rin na maging ay kama niyang hinihigaan ay mismong Spongebob talaga. Siyempre, ang damit pantulog ay Spongebob rin.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram

“Yung pangalawang photo po, nakahiga ako kasama ng puro spongebob na collection ko. Ngayon kama ko, mismong spongebob na. Take note, yun parin po yung damit ko pantulog. BUWAHAHAHAHAHA!”




Isa namang nakakainspire na mensahe ang kanyang ipinaabot sa kanyang mga followers at tagahanga na patuloy lang sa pag-abot ng mga pangarap, magsumikap at huwag sumuko upang magtagumpay. Mangarap ng malaki at gawing inspirasyon ang pamilya.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram

“Basta kapag nangarap ka, mangarap ka ng malaki. Mangarap ka ng sobra. Tapos samahan mo ng sipag, tibay at lakas ng loob, gawin mong inspirasyon pamilya mo saka prayers talaga.. PROMISE MATUTUPAD MO!!! ”

Talaga nga namang kahanga-hanga si Kiray, na punong-puno ng pangarap para sa kanyang pamilya. Sa kanyang pagsusumikap at hindi niya pagsuko ay kanya na ngang naabot at napagtagumpayan ang pangarap na hinahangad.

Photo Credit: Kiray Celis Instagram




Nakakatuwa rin ang kanyang pagkahilig sa cartoon character na si Spongebob, na talagang naging malikhain ang aktres at nakabuo siya ng kwarto na may Spongebob theme.

Matatandaan naman na noong Valentine’s Day, imbes na bouquet of flowera ang ibigay na regalo sa kanya ng non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia, ay bouquet of Spongebob Squarepants ang natanggap niyang regalo mula rito.