Love Story Ng Mag-asawang Manny At Jinkee, Katulad Umano Sa Kwento Ng Pag-ibig Nina Sarah At Matteo

Sa buhay pag-ibig, bago natin makamit ang kaligayahang ninanais sa piling ng ating iniibig, maaaring sapitin muna natin ang hirap at pait ng buhay.

Photo Credit: Jinkee Pacquiao Instagram




Ngunit, walang makakapantay na kaligayahan naman ang iyong mararamdaman kapag nakamit mo na ang tagumpay na kung saan ay nalampasan na ang mga pagsubok na nagbigay ng kahirapan sayo.

Hindi lahat ay nakakaranas ng maayos na simula sa buhay pag-ibig, ngunit dahil sa labis na pagmamahal sa isat-isa nagagawa ng dalawang pusong nagmamahalan na pagtagumpayan ang anumang balakid sa kanilang pag-iibigan.

Photo Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Kagaya na lamang ng mag-asawang Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na maihahalintulad umano ang kanilang love story sa nangyari sa kwento ng pag-ibig nina Sarah at Matteo na naging kontrobersyal ilang linggo na ang nakakaraan. Sa kanyang panayam sa DZMM, masayang ibinida ni Sen. Manny ang love story nilang mag-asawa.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram




Ayon kay Sen. Manny, hindi daw sang-ayon ang kanyang ina na si Mommy Dionisa na pakasalan niya si Jinkee. Dahil nga labis ang naging pagtutol nito sa kanilang pag-iibigan, hindi umano ito dumalo sa kasal nilang dalawa. Maging nang siya ay mamanhikan kay Jinkee ay hindi ito sumama upang ipakita ang pagsuporta sa kanila. Kaya naman ang kanyang naging kasama ay ang kapatid niyang babae.

“Itong Sarah and Matteo, na-experience namin ni Jinkee ‘yan…katulad ng naranasan nila ngayon”

Sabi ni Sen. Manny.

Photo Credit: Google Image

Pagsasalaysay niya, ang napupusuan raw ng kanyang ina para sa kanya ay ang dati niyang nobya, sapagkat engaged na nga sila ng dating nobya ngunit hindi rin sila nagkatuluyan.

“Engaged kasi ako before Jinkee. ‘Yung ka-engaged ko, ‘yun ang gusto ng mama ko”

Kuwento ni Sen. Manny.

Photo Credit: Jinkee Pacquiao Instagram




“So, nakilala ko ‘tong si Jinkee. ‘Tapos noong sabi ko na magpakasal kami ni Jinkee, eh ayaw ng mama ko”

Patuloy niya.

Ngunit nang maikasal naman na sila ni Jinkee, hindi rin nagtagal ay nahuli na rin nila ang loob ng kanyang ina. At sa huli nga ay nagkasundo na sina Mommy Dionisia at Jinkee at naging malapit na sa isat-isa ang dalawa. Sa katunayan, kamakailan lamang nang magkaroon ang dalawa ng vlog at naging bonding na rin nila ito at agad pa nga itong nagviral sa social media.

Photo Credit: Google Image

Sa huli, nagbigay naman ng payo si Sen. Manny para sa bagong kasal na sina Sarah at Matteo, na dapat nilang mahalin at intindihin ang ina ni Sarah. At dapat nilang ipakita na sila’y tunay na nagmamahalan upang maipakita at mapatunayan nilang hindi sila nagkamali sa desisyon na pakasalan ang isat-isa.

“Isa lang ang masasabi ko sa kanila –kahit ganun pa man ‘yung mga magulang o mga biyenan ninyo ay mahalin ninyo. Huwag kayong magtanim ng galit kasi ang mga magulang ay dapat minamahal at iniintindi.”