Sa mundo ng showbiz, kapag ang isang artistang babae ay mahusay sa pag-arte at may angkin talento ay agad silang hinahangaan ng publiko.
Ngunit, mas lalo pa silang hinahangaan kapag biniyayaan ng napakagandang mukha at seksing katawan. Kaya naman hindi lamang publiko at tagahanga ang nahuhumaling sa kanila kundi maging mga lalaking nais manligaw. Pero hindi lamang basta-bastang lalaki sa lipunan ang kanilang manliligaw kundi mga lalaking talagang may marangyang buhay, kagaya ng negosyante o politiko.
Kaya naman pagdating sa ganitong usapin ng buhay pag-ibig ng mga sikat na babaeng artista ay nais nilang maging pribado ang kanilang buhay. Pero hindi talaga mapigilang matuon ang mata ng publiko sa kanila lalo na kung isang kilala rin sa lipunan ang kanilang makakapareha sa buhay.
Kaya naman ating kilalanin ang mga babaeng artista na pinagpala sa pagkakaroon ng kabiyak na may marangyang buhay.

Gretchen Barretto
Si Gretchen Barreto o mas kilalang Greta sa industriya ay hinahangaan ng marami dahil sa kanyang magandang mukha at malakas na karisma sa madla. Kaya naman nabihag niya ang puso ng isa sa mga pinakamayamang tao sa bansa na si Tony Boy Cojuangco. Si Tony ang kasalukuyang partner ni Greta na mula sa angkan ng mayayamang negosyante. Kilala si Tony bilang big boss ng isang TV Network at siya rin ay dating Chairman ng PLDT. Samantala, si Dominique Cojuangco ang kanilang anak na bunga ng kanilang pagmamahalan.

Zsazsa Padilla
Kilala si Zsazsa Padilla sa industriya na mula sa mayamang angkan bago pumanaw ang asawa nitong si Dolphy Quizon, na kilala naman bilang Hari ng Komedya sa ating bansa na talagang tumatak sa mga Pilipino ang kanyang mga pelikula.
Ngunit nang yumao si Dolphy at matapos mabalo ni Zsazsa, ay muling itong umibig at nahanap ang bagong pag-ibig sa katauhan ng isang Architect na si Conrad Onglao. Magaganda ang mga disenyong gawa ni Conrad kaya naman kilala rin itong magaling na arkitekto sa ating bansa.

Kaye Abad
Isa rin sa mga magagandang artista na nakatagpo ng mayamang napangasawa si Kaye Abad. Bata pa lamang nang pasokin ni Kaye ang pag-aarista. Hindi naman nagtagal ay kanya namang nakita ang tunay na pag-ibig sa isang napakayamang negosyante na si Paul Jake Castillo. Ang pamilya ni Paul ang nagmamay-ari ng mga kompanya ng mga produkto tulad ng Casino Alkohol, Bioderm, Efficascent Oil, YOBOB Lechon De Cebu, at marami pang iba. Pinamumunuan rin ng kanilang pamilya ang International Pharmaceutical, Inc. na mayroong 14 na sanga sa Pilipinas.

Nina Jose
Una nating nasilayan si Nina Jose sa Bahay Ni Kuya bilang housemates sa reality show na Pinoy Big Brother. Naging matagumpay naman ang karera sa showbiz ni Nina sa pag-aartista nang matapos ang PBB. Sa kasalukuyan, siya ngayon ang asawa ng Mayor ng isang bayan sa Pangasinan na si Mr. Cezar Quiambao. Kilala ito bilang isang bilyonaryo, na kung saan ay kasalukuyang CEO ng kompanyang Stardom Corporation.

Assunta De Rossi
Si Jules Ledesma naman ang napangasawa ng aktres na si Asunta de Rossi. Kilala ang angkan ng mga Ledesma na nagmula sa probinsya ng Negros Occidental. Si Jules ay kilalang politiko sa Negros na naging kongresista sa nasabing lugar. Sa napakagandang lugar ng Negros nagmula ang mga produkto ng asukal na kung saan ay may pagmamay-ari ang pamilya Ledesma na malawak na lupain at ibat-ibang klase ng negosyo.

Pauleen Luna
Ang cute na batang nakilala natin sa Little Miss Philippines noon sa programang Eat Bulaga na si Pauleen Luna ay mapalad ngayong asawa ni Vic Sotto na Bossing ng lahat sa programa. Hindi maikakaila ang taglay na yaman ni Bossing pagdating sa industriya ng showbiz maging sa mundo ng pulitika. Sa kasalukuyan ay pareho parin silang bahagi ng longest running noontime show na Eat Bulaga sa bansa.

Marian Rivera
Ang Primetime Queen naman ng GMA Network na si Marian Rivera, ay hindi maitatago ang labis na kaligayahan nang maikasal at mapangasawa ang Primetime King ng nasabing network na si Dingdong Dantes. Kilalang sikat na artista si Marian dahil bukod sa magaling itong umarte ay napakaganda rin nito at may magandang hubog rin ng katawan. Samantalang si Dingdong naman ay nagmula sa mayamang angkan dahil sila lang naman ang nagmamay-ari ng naglalakihang penthouse sa Quezon City. Bukod naman sa pag-aartista ay isa ring kilalang producer si Dingdong.