Kilalanin Ang Anak Ni Joel Torre Na Kahawig Umano Ng Aktres Na Si Julia Montes

Ang mga masusugid na tagahanga ng mga artista sa industriya ng showbiz ay sadyang inaabangan ang kanilang mga idolo.

Photo Credit: Marela Torre Instagram




Hindi rin pinapalampas ng mga tagahanga na kung ang mga anak ng mga iniidolong artista ay nais rin bang sumunod sa yapak ng kanilang mga magulang. Kadalasan itong nagyayari sa industriya, lalo na kung hindi maitatanggi ang ganda at talentong taglay ng anak ng artista.

Photo Credit: Marela Torre Instagram

Kaya naman ang batikang aktor na si Joel Torre o Rizalino De Leon Torre sa totoong buhay ay nasa listahan ng mga sikat na artista na may galing at husay sa pag-aartisa, na maaari ring mamana ng kanyang mga anak.

Photo Credit: Marela Torre Instagram




Ang batikang aktor ay ipinanganak noong July 29, 1961. Naging matagumpay ang karera ng aktor sa industriya ng showbiz na talaga nga namang inabangan ng publiko ang kanyang mga pelikula. Isa sa mga di makakalimutang pelikulang kanyang ginawa na tumatak sa puso ng mga Pilipino ay ang pagganap niya sa karakter ng Pambansang Bayani na si Jose Rizal noong 1998. Naging bahagi rin siya ng Indie Movie sa pelikulang “On the Job” na kung saan nakasama niya ang mga aktor na sina Piolo Pascual at Gerald Anderson noong 2013. Dahil talaga nga namang nakitaan siya ng talento sa pag-arte, noong 2010 ay nagkamit siya ng parangal na Best Actor Award sa pelikulang “Amigo”, sa naganap na 17th Punchon International Fantastic Film Festival.

Photo Credit: Marela Torre Instagram

Kasama rin sa tagumpay niya ang kanyang pamilya na talagang nakasuporta sa kanya sa lahat ng oras. Ang isa niyang anak sa asawang si Cristy Acona Toree na si Marela Torre ay napansin ng publiko na tila nagmana sa kanyang ama. Dahil bukod sa ito’y isang napakagandang dalaga, may taglay ring talento si Marela.

Photo Credit: Marela Torre Instagram




Kabaligtaran naman sa amang si Joel na may magandang takbo ng karera sa pag-aartista, mas pinili ng dalagang si Marela na huwag magtrabaho sa harap ng camera. Bagama’t, pribado ang buhay ng dalaga at nais ang tahimik na buhay sa likod ng camera, kamakailan lamang nang maitampok siya sa isa sa mga pinag-uusapan ng Yes! Magazine.

Photo Credit: Marela Torre Instagram

Ang dalaga ay may itinatagong talento sa sining, kung saan nakahiligan niya ang landscaping at painting. Dahil na rin lumaki siya sa tahanan na may pagmamahal sa sining, hindi nakakapagtaka na napakaganda ang kanyang mga likhang obra at mababakas na may angking talento ito sa bawat gawang obra.

Photo Credit: Marela Torre Instagram




Pagdating naman sa kanyang social media account, kung titingnang mabuti kapansin-pansin ang pagkahilig naman niya sa sports at hilig magtungo sa mga beach. Makikita na nais niyang mag-explore sa mga bagay-bagay at hilig ang pamamasyal. Pagdating naman sa sports, sa larangan naman ng boksing naglalaan ng oras ang dalaga.

Photo Credit: Marela Torre Instagram

Isa ring masipag na anak si Marela, dahil tumutulong siya sa negosyo ng kanyang pamilya na TJ’s Manukan Grille na matatagpuan sa kanilang hometown sa Bacolod City, Negros Occidental.

Dahil nga sadyang napakaganda ng dalaga, maraming netizens ang nakapansin na nahahawig ang mukha nito sa Kapamilya aktres na si Julia Montes. Na tila kambal ang dalawa kung pagmamasdan.