Connect with us

Entertainment

Kasalang Sarah Lahbati At Richard Gutierrez, Bigatin Ang Mga Sponsor!

Usap-usapan ngayon ang nalalapit na pagiisang dibdib ng celebrity couple na sila Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Nakatakdang magpakasal ang dalawa ngayong Marso sa Shangri-la Port at sa kasalukuyan ay sinusubaybayan ang kanilang mga paghahanda.

Photo Credit: Sarah Lahbati Instagram


Sa gitna ng kanilang paghahanda, marami ang nasurpresa at napanganga nang makita ang hindi umano ay listahan ng kanilang mga sponsors. Sa screenshot na ibinahagi ng Fashion Police, makikita ang pangalan ng mga bigating personalidad na sinasabing mga pangunahing sponsor ng kasalang Lahbati-Guiterrez. May mga matataas na opisyal ng gobyerno, may mga artista at ibang pang malaking personalidad personalidad.

Photo Credit: Sarah Lahbati Instagram

Photo Credit: Sarah Lahbati Instagram


Nasa listahan ng mga principal sponosor ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na si Presidente Rodrogp Duterte. Kasama din sila dating Pangulong sila Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo. Andito din ang iba pang politico gaya nila Senador Manny Pacquiao, Senador Tito Sotto, Senador Bato Dela Rosa, Senador Cynthia Villar, Secretary Salvador Panelo, Mayor Richard Gomez, Congresswoman Lucy Torres. Ang Presidente at CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak ay kasama din sa principal sponsors. Hindi din Nawala dito maging ang CEO ng GMA na si Felipe Gozon at kanyang maybahay.

Photo Credit: FashionPULIS.com

Secondary sponsors naman ang mga Kapamilya stars na sila Angel Locsin, Vice Ganda, mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales, at pati ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriquez. Bridesmaid sila Yazzi Pressman, Coleen Garcia-Crawford at Bella Padilla.

Photo Credit: FashionPULIS.com


Bilang reaksyon dito ay marami ang natuwa at bumati sa dalawa. Ngunit meron din naming iba ang nainis at nagbigay ng mga negatibong komento. May mga nagpatutsyada din na nagsabing tila nagmukhang balota sa eleskyon imbes na imbitasyon ang nasabing larawan.

Photo Credit: FashionPULIS.com

Nagsimula ang relasyon nila Richard at Sarah noon pang 2012. Nag-umpisa sila bilang love team sa isang Teleserye at hindi nagtagalay naging real-life couple ang dalawa. Marami mang pinagdaanang pagsubok, nanatili ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa at ngayon nga eh mas pinapatatag pa ang kanilang pagsasama. Biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaking sila Zion at Kai. Sa nalalapit nilang kasalan ay hangad nila ang mas higit pang kasiyahan para sa kanilang pamilya.

error: Content is protected !!