Kapamilya Beauty Queen Bianca Manalo At Senator Sherwin Gatchalian Sweet Na Sweet Sa Naging Bakasyon Nila Sa Paris

Sino bang magkasintahan ang hindi nangarap na makapunta sa lugar na tinawag na “City of Love” walang iba kung hindi ang lungsod ng Paris.

Photo Credit: Bianca Manalo Instagram


Sa katunayan isa ang nasabing lungsod sa mga sikat na tourist destination sa buong mundo at para sa dalawang pusong nagmamahalan ang marating ito ay isang malaking katuparan.

Photo Credit: Bianca Manalo Instagram

At para sa Kapamilya aktres na si Bianca Manalo at sa kasintahang si Senador Sherwin Gatchalian nagawa na nilang marating ng magkasama ang sikat na siyudad na para sa katulad nilang nag-iibigan ay masasabing isang magandang relationship goals.

Sa Instagram ng dating Binibining Pilipinas Universe 2009 ay ibinahagi niya ang larawan nila ng magbakasyon sila sa Paris. Sa naturang larawan ay makikita ang dalawa na masayang-masaya pang nagpapicture sa sikat na ‘Eiffel Tower’.

Photo Credit: Bianca Manalo Instagram

“Save the last dance for me. ♥”

Masayang caption pa dito ng ‘Ang Probinsyano’ actress.


Nobyembre nitong nakaraang taon pa ng tuluyan ng umamin ang Kapamilya artist na nagkakamabutihan na sila ng 45 taong gulang na senador. At ibinahagi niya ang kauna-unahan nilang larawan matapos niyang aminin na isang taon na ang kanilang relasyon

Photo Credit: Bianca Manalo Instagram

“Imagine being loved the way you love. ♥️”

Pagcaption pa niya sa larawan nila noong ipagdiwang nila ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan.

Photo Credit: Bianca Manalo Instagram


May ilan pang pagkakataon na nagbahagi siya ng mga larawan sa ilang mga okasyon na magkasama nilang pinuntahan. Isa dito ay ng pareho silang dumalo sa opening ng katatapos pa lamang na 30th SEA Games na ginanap sa ating bansa.

“biancamanalo Mabuhay! Welcome, athletes! So glad to have been part of the 30th SEA Games opening ??”

Pahayag pa niya dito.

Photo Credit: Bianca Manalo Instagram

Samantala, magkasama rin silang umattend sa isang concert ng bandang U2 ng muli itong magbalik sa ating bansa.

“biancamanalo We missed 7 songs ? but yes U2! Ang galing! ? Sabi nga ni Bono, they should’ve gone here yearly! ☝️”

Pahayag pa dito ni Bianca.