Maraming mag-asawa sa industriya ng showbiz ang matagal nang nagsasama, at talagang makikita sa kanila na sila’y tunay na nagmamahalan. Isa sa mga ito ang mag-asawang sina Jinkee at Manny Pacquiao na dalawang dekada ng nagsasama bilang mag-asawa.

Sa matagal nilang pagsasama bilang mag-asawa ay biniyayaan sila ng limang anak. Bukod dito, marami na silang mga pinagdaanang pagsubok at hamon sa buhay bilang mag-asawa kaya naman mas lalo pang naging matibay ang kanilang relasyon at pamilya.

Hindi nakakapagtaka na sa kabila ng tagal nang pagsasama nila ng asawang si Manny at napatunayan na nila ang tunay na pagmamahal sa isat-isa, kaya naman hindi maikakaila na may taglay na rin na kaalaman si Jinkee tungkol sa pagmamahal at buhay may-asawa.

At ito nga ang naging laman ng kanyang pinakabagong vlog na kanyang ibinahagi sa kanyang mga tagahanga. Masaya niyang ibinahagi ang kanilang relasyon ni Manny na nagsimula noong nagsama silang dalawa sa edad na 20 anyos lamang. Masaya rin niyang binalikan ang mga alaala sa panahong lumipas.

Habang nagbibigay ng house-tour sa magarbong tahanan nila sa General Santos City, isinalaysay ni Jinkee na batang-bata pa lamang sila ni Manny nang magsama bilang mag-asawa sa edad na 20 anyos.
“Kasi kami ni Manny parang nagsama kami 20 years old ako. Same age actually kami. So, batang-bata pa kami noong nag-umpisa kami”
Saad ni Jinkee.
“S’yempre ‘pag umpisa pa lang kayo, para kayong bata pa masyado. Puro happiness lang ang iniisip n’yo hindi n’yo pa nalalaman na may nag-aabang na mga trials. ‘Pag sa umpisa pa lang puro masarap, ganyan, happy. As the day goes by…ay ito pala. Hala, bakit ganito siya”
Patuloy niya.

Nagbigay naman siya ng payo upang magkaroon ng matagal at masayang pagsasama bilang mag-asawa.
“Kailangan talaga maging understanding ka at saka pasensya… mas habaan mo ang pasensya mo para mas magtagal kayo”
Payo niya.

Ayon pa kay Jinkee, bukas naman daw sa publiko ang kwento ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, upang maging inspirasyon sa iba. Nalampasan naman na raw nila ang mga hamon at pagsubok sa buhay mag-asawa, kaya naman mas lalo pa itong naging matatag sa pagdaan ng panahon. At isang sikreto rin ay dahil ang Panginoon ang naging sentro ng kanilang pag-iibigan bilang mag-asawa.
“Until now we’re still together kasi ang Panginoon ang pinakasentro sa lahat ng ginagawa namin sa lahat”
Pahayag ni Jinkee.

Tunay nga na mababakas sa kanilang pagsasama ang masaya at matibay na relasyon bilang mag-asawa na mas pinatibay ng kanilang pananalig sa Panginoon. Maging ang kanilang limang anak na bunga ng kanilang pagmamahalan na sina Jimuel, Michael, Princess, Queenie at Israel ay nagabayan at napalaki rin nilang maayos at mabuting mga tao.