Kapag naririnig natin ang apelyidong “Pacquiao”, ang Pambansang Kamao agad na si Manny Pacquiao ang pumapasok sa ating isipan.

Dahil isa lang naman sila sa mga pinakamayaman na pamilya sa ating bansa. Kilala si Sen. Manny ng halos lahat ng Pilipino sa ating bansa at maging sa ibang bansa. Bagama’t nagmula siya sa mahirap na pamilya, ay nagawa naman niyang magsumikap at magtagumpay sa buhay kaya naman naiahon niya sa kahirapan ang kaniyang pamilya.

At ngayon nga, isa na sila sa mga tinitingala at hinahangaang personalidad sa ating lipunan na kung saan ay nagmamay-ari ng mga bahay at mansiyon sa iba’t ibang lugar.
Ang kabiyak naman ni Manny na si Jinkee, bukod sa pagiging mabuting asawa at ina ng kanyang pamilya, naging libangan na rin nito ang paggawa ng vlog. Kaya naman, kamakailan lamang nang maging laman ng kanyang vlog ang house tour sa kanilang mansiyon na matatagpuan sa General Santos City.

Sa video, unang ipinakita ni Jinkee ang living room ng mansiyon na punong-puno ng mga picture frames na may larawan ng kanyang pamilya na kung saan ay may nakasabit sa dingding at may ilan naman na nakapatong lamang. Ang ilan sa mga larawan ay larawan niya na kuha sa kanyang mga endorsement at magazines.

Maging larawan ng kanyang mga anak noong ang mga ito ay malilit pa ay kanya ring ipinalagay sa isang frame. Ayon kay Jinkee, malaki ang pagkahilig niya sa mga picture frames dahil natutuwa umano siya sa tuwing nakikita ang mga larawan. Nagpasadya rin siya ng isang malaking larawan ng family picture na nakalagay sa frame at nakasabit sa dingding ng living room.

Ang sumunod namang ipinakita ni Jinkee ay ang entertainment room, at naabotan pa niya ritong nakaupo sa sofa ang kanyang kambal na si Janet at kanya pa itong ipinakilala. Maging sa entertainment room ay may makikita ring mga larawan ng kanyang pamilya na nakalagay sa frame.

Sumunod naman ang dining area, na ayon kay Jinkee ay open area lamang ito dati kung saan sila nagpapahinga. Ngunit, ginawa nila itong dining area upang doon na kumain dahil mas gusto niya na nakahiwalay ang dining area para maiba naman daw.

Hindi pa dito nagtatapos ang house tour ng mansiyon, dahil nakakamangha at may guest house pa ito para sa mga bisitang nais mamalagi sa kanilang tahanan. Ang mas higit na nakakamangha rito ay ang swimming pool na konektado sa guest house. Talagang nakahanda ang guest house sa sinumang nais magpahinga at maligo sa pool.

Dahil nga hilig rin ni Pacman at ng kanyang mga anak ang paglalaro ng basketball, mayroon rin itong pinagawang basketball court na napakalaki. Ayon kay Jinkee, ayaw ni Manny na lumabas upang maglaro ng basketball kaya naman naisipan nilang magpagawa ng basketball court sa mansiyon at doon na lamang ito maglaro.
Talaga nga namang nakakamangha ang lawak at ganda ng kanilang mansiyon. Maging ang mga netizens ay talagang humanga at nainspire sa kanilang mansiyon.
“Walang ka2lad n sayo sir Manny mabait m2longin p s kapwa yn Ang idol alam Niya Ang h!rap n pinagdaanan Niya noon”
“Knowing the fact That Jinkee Already have it all and to suddenly say that Her Children are her Greatest Achievement, WOO0OW that was Amazing! Love her moreeee”
“Still humble eventhough the standard of living is high! God bless you ma’am Jinky hundred fold you are such an inspiration ..”
“ito yung pamilyang Legit na Mayaman na humble, kahit mga anak walang bahid na HILAS!! plus factor ang pagka bisaya very down to earth”
“I love to watch your videos po, thats true God is in the center in marriage yan ang importante talaga sa atin…God bless your family❤️