Ang panganay na anak ni Senator Manny Pacqiuao na si Jimuel o Emmanuel Pacquiao Jr. sa tunay na pangalan ay hindi makaka-ilang isa sa mga kinakikiligan at ginugusto ng maraming mga babae dahil sa kanyang pagkakaroon ng swabeng dating at easy going na awra.

Nagsimula ang karera ni Jimuel sa industriya nang siya ay maging isang modelo, kaya naman hindi maitatanggi ang angking galing niya sa pagdadala ng kanyang mga kasuotan na mas lalo pang hinangaan sa kanya ng maraming kababaihan.

Ngunit kahit marami ang humahanga kay Jimuel na mga kababaihan ang ilan naman sa mga ito ay nagdadalawang isip na siya ay lapitan. Kilala ang pamilya nina Jimuel bilang isa sa pinakamayamang pamilya dito sa ating bansa kaya naman marami ang mga kababaihan na nahihiyang lumapit sa kanya lalo na kung ang mga ito ay nagmula lamang sa ordinaryong pamilya.

Sa kanyang Youtube Channel sa kanyang vlog ay ibinahagi ng nasabing binata na walang dapat ikahiya ang mga babaeng mula sa ordinaryong pamilya na nais makipagkaibigan o makipagkilala sa kanya dahil hindi naman umano siya tumitingin sa estado ng buhay ng isang babae kung siya ay nakikipagdate.

Nitong nakaraang Lunes nga ay nagpost si Jimuel ng isang video sa kanyang vlog kung saan ay sinabi niya na:
“To me, Loove doesn’t really choose like if you fall in love with a girl. Like poor average, or rich. It doesn’t really matter”.

Ayon sa mensahe ng binata, kung siya ay magmamahal sa isang babae, hindi magiging mahalaga kung ito man ay mula sa mahirap o mayamang pamilya. Ang importante ay mahal niya ito.
” For example, a rich girl can fall inlove with a poor guy. If I fall in love with a girl that’s not really on the same status in life, then, that would be ok, since we’re in love it doesn’t really matter.”
Saad pa ni Jimuel sa kanyang video.

Sinabi rin ni Jimuel na kung may isa man sa kanyang mga tagahanga ang nakaagaw ng kanyang pansin at napalapit sa kanya ay maari rin niya itong idate.

Kung halimbawa rin umano na magkakaroon siya ng gusto sa isang older woman, ay may posibilidad din naman ito wag lang talaga yong masyadong malaki ang gap sa kanya na parang tiyahin na niya. Inamin din ng binata na wala sa kanyang interes na makipagdate sa isang single mom.
“I have nothing against single moms, ok, it’s just that its not my preference.”
Ayon kay Jimuel.
May pinaniniwalaan din si Jimuel na kahulugan ng pag-ibig at ito ay ang “putting others’ needs before yours” na kung saan ang pinakamagandang example ng pag-ibig na ito ay ang pag-ibig na ibinigay ng Panginoon para sa ating mga anak niya. At kung ito umano ang iyong paniniwalaan siguradong mas marami pa ang magmamahal sayo.