Jaclyn Jose, Nagbigay Ng Mensahe Sa Mga Magulang Na Huwag Iasa Ang Buhay Sa Anak

Ang pagtanaw ng utang na loob ay isa lamang sa mga mabuting asal na itinuro sa atin ng ating mga magulang.

Photo Credit: Google Image




Ngunit, ang pag-uugaling ito ay hindi nagiging maganda kapag ang pagtanaw mo ng utang na loob ay nagiging responsibidad na. Hanggang saan ka nga ba dapat tumanaw ng utang na loob?

Photo Credit: Google Image

Ang ating mga magulang na nag-alaga at nagpalaki sa atin ay malaki ang utang na loob nating mga anak sa kanila. Kaya naman bilang ganti ay nagsusumikap tayo upang masuklian ang kanilang paghihirap sa pagtataguyod at pagpapalaki sa ating mga anak upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Photo Credit: Google Image




Ngunit, may ilang mga magulang na talagang inaasa na sa kanilang anak ang buhay nila ngayong malalaki na ang kanilang mga anak. Na kung saan ay may trabaho na upang maitaguyod ang sarili. Ang utang na loob na unti-unting binabayaran at dapat na kusa sanang bayaran ng mga anak ay naging responsibilidad na, na kung tutuusin ay dapat nakabawi na nang marating ang tagumpay at magkaroon ng magandang buhay. Dahil iyon naman talaga dapat ang nais ng ating mga magulang.

Photo Credit: Google Image

Ang usaping ito tungkol sa utang na loob na dapat bayaran ng anak sa kanilang magulang ay muling nabuksan dahil sa kontrobersyal na kasalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil ang ina ni Sarah na si Mommy Divine ay labis ang pagtutol na makasal ang kanyang anak.

Tumanggap ng ibat-ibang reaksyon at pambabatikos si Mommy Divine mula sa publiko dahil sa kanyang pagiging makasarili bilang isang ina. Bagama’t, inalagaan niya at pinalaki si Sarah at naging matagumpay naman ang karerang napili, nais pa rin ni Mommy Divine na makontrol ang kanyang anak sa lahat ng desisyong gagawin nito sa buhay.

Photo Credit: Google Image




Mas lalo pang naging hindi kaaya-aya ang tingin ng netizens kay Mommy Divine nang malaman na dapat bago makasal si Sarah ay nais nitong ilipat sa kanya ang savings ng anak. Ngunit, dahil ayaw ni Sarah masaktan ang mapapangasawa ay hindi nito sinunod ang payo ng ina, bagkus ay itinuloy parin ang kanilang secret wedding kung saan ay hindi imbitado ang ina.

Kaya naman talagang nakakaintriga ang mga pangyayari at nawindang ang mga netizens, na maging ang mga sikat na artista ay nagbigay rin ng reaksyon at komento sa mga kaganapan.

Isa na rito ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose, na kung saan ay nagbigay ng payo tungkol sa tamang pagpapalaki ng anak. Nagbahagi ang aktres sa kanyang Instagram Account ng kanyang saloobin sa kaganapan, at nagbigay siya ng punto bilang isang ina na hindi dapat habang buhay na iasa sa anak ang mga responsibilidad.

“It is our responsibility as parents, I am single mom of 2, i worked so hard to make them feel that everything was okay napuputulan ng ilaw o di makabayad sa rental but that doesn’t mean na ipapasa ko problema ko sa mga anak ko…”

“I haven’t get a single centavo sa mga anak ko. Kakayanin ko lahat para sa mga anak ko. I did all my best to raise them happy lang. No controlling para pag time naman nila gawin nila naman para sa mga anak nila.”

“Hindi ako nakikisawsaw sa issue just giving my point. Let them, at the end they will be more responsible… us parents must understand our children let them leave madadapa yan pero babangon kung hahayan natin sila.”

“Wag obligate your children to pay your dreams, they have their own too…”

Sinabi ng beteranang aktres sa kanyang post na hindi siya nakikisawsaw kundi nais lamang niyang magbigay ng punto.




CANNES, FRANCE – MAY 22: Philippino actress Jaclyn Jose attends the closing ceremony of the 69th annual Cannes Film Festival at the Palais des Festivals on May 22, 2016 in Cannes, France. (Photo by Venturelli/WireImage)

Ayon sa aktres, dapat hayaan na lamang ng mga magulang ang kanilang mga anak sa anumang desisyon na kanilang gagawin sa buhay upang matuto, kung sakali mang madapa at masaktan ay matututo silang bumangon at itama ang kanilang pagkakamali at higit sa lahat ay maging responsable sa pagtaguyod ng sariling buhay.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Dagdag pa ng aktres, hindi dapat inoobliga ang mga anak na bigyan ng magandang buhay ang mga magulang dahil may mga sariling pangarap rin ang mga ito na dapat abotin sa buhay.




Napakaganda ang mensaheng naiparating ni Jaclyn Jose, hindi lamang para kay Mommy Divine kundi maging sa ibang magulang na kinukulong ang kanilang mga anak sa kamay ng magulang. Kahanga-hanga na bilang isang single mom, ay nakakaya niya ang lahat ng pagsubok sa buhay at todo suporta rin sa kanyang mga anak sa mga nais nito at desisyon upang magkaroon ng sariling buhay.