Bahagi na ng kaugaliang Pilipino na sa tuwing magkakaroon ng panibagong miyembro ng pamilya dahil may ikinasal o may nagpakasal sa isa sa mga miyembro ng pamilya ay nagiging mainit ang pagtanggap natin sa kanila.

Ito ay nagsisilbing paggalang sa bawat pamilya ng bagong kasal. Masasabi rin na dito magsisimula ang isang masayang samahan kapag nakita ng bawat isa na mainit ang naging pagtanggap bilang bagong miyembro ng pamilya.

Sa paraan ring ito mababakas ang pagmamahal sa miyembro ng pamilya na nagpakasal kung pano ituturing at pakikisamahan ng iyong pamilya ang iyong bagong asawa. Kadalasan, kapag ang miyembro ng pamilya na nagpakasal ay kapatid natin, nagiging magaan sa ating pakiramdam dahil magkakaroon kana rin ng parang kinakapatid. Na talagang maituturing na parang tunay na kapatid dahil sa lalim narin ng samahan.
Maging ang mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz ay labis rin ang pagpapahalaga at talagang ipinapakita nila ang mainit na pagtanggap sa pinakasalan ng kanilang mahal sa buhay upang maging bahagi ng kanilang pamilya.

Kamakailan nga nang maging maugong ang pangalan ng bagong kasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ngayon sila’y ganap na ngang mag-asawa at kanila nang pinaghahandaan ang panibagong yugto ng kanilang buhay. Ngunit, kamusta kaya ang relasyon ni Sarah sa pamilya ni Matteo?
Sa isang Instagram post, ay masayang ibinahagi ng kapatid ni Matteo na si Giorgia ang naging mainit niyang pagtanggap kay Sarah bilang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Noong araw ng Huwebes, nagbahagi si Giorgia sa kanyang instagram ng isang larawan na kuha noong araw ng kanyang kasal noong nakaraang taon kung saan makikita silang magkasama ni Sarah.
At nilakipan niya ito ng caption na:
“One week ago today, I gained a real life sister. Welcome to the family, Mrs. Guidicelli!!!! We love you!!!”

Makikita sa larawan na talagang mababakas ang kasayahan sa mukha ng dalawa. Tunay nga na may maganda silang samahan dahil nang ikasal si Giorgia ay si Sarah ang naging maid of honor ng kanyang kasal. Sa katunayan, habang nagbibigay si Sarah ng mensahe para sa bagong kasal ay naging emosyonal pa ang singer at kanyang ipinahayag kung gaano siyang nagpapasalamat sa kapatid ni Matteo na si Giorgia dahil palagi niya itong maaasahan anumang oras.

“Thank you for never ignoring my calls, for returning my calls. Thank you for not judging me, Giorgia. For being someone I can always turn to when things get rough with your nakababatang kuya, and also for being patient with your nakababatang ate, kasi older po ako kay Giorgia.”
Saad ni Sarah.
Si Giorgia ay nakakabata at nag-iisang kapatid na babae ni Matteo. Mayroon rin silang isa pang kapatid na lalaki, si Paolo na kung saan ay bunso sa kanilang pamilya.