Hungry Syrian Wanderer, Namahagi Ng Libreng Sanitizer At Vitamin C Sa Mga Taong Nangangailangan At Walang Kakayahang Bumili

Nakilala na si Basel o ang tinaguriang Hungry Syrian Wanderer sa ating bansa sa pagkakaroon ng mabuting kalooban at bukas palad sa mga nangangailangan. Bagamat, nagmula sa ibang lahi at walamg dugong Pilipino ay taglay naman niya ang pagkakaroon ng pusong Pinoy.

Photo Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook Page




At ngayon nga ay nahaharap na naman sa suliranin ang mga Pilipino dahil sa Covid-19, na kinakaharap rin iba pang tao sa buong mundo, ay muling ipinakita ni Basel ang kanyang pagiging matulungin sa kapwa.

Photo Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook Page

Sa ganitong napakahirap na sitwasyon na kinakaharap ng mga Pilipino, marami ang nagsasamantala sa kapwa kagaya na lamang ng pag-ubos ng mga panindang alcohol, sanitizer at mask sa mga pamilihan na kinakailangan upang labanan ang kumakalat na virus.

Screenshot: The Hungry Syrian Wanderer Youtube Channel




Ngunit, sa halip na magtira para sa iba, ay inuubos ito para sa pansariling gamit o kaya naman ay ibebenta ng mas mahal sa orihinal na presyo. Pero may natatanging tao na iniisip ang kapakanan ng iba, lalong-lalo na ang mga taong nangangailangan at walang kakayahang bumili ng mga naturang pangangailangan sa ganitong panahon ng pagsubok.

Photo Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook Page

Si Basel o ang kilalang Hungry Syrian Wanderer nga ay pinakyaw ang mga tindang sanitizer sa isang pamilihan upang ipamigay ng libre sa mga taong nangangailangan.

Screenshot: The Hungry Syrian Wanderer Youtube Channel




Sa facebook post ng Hungry Syrian Wanderer, sinabi niya sa mga netizens na binili niya ang lahat ng nakadisplay na disinfectant nang may pahintulot mula sa may-ari ng tindahan upang ipamigay ng libre sa mga kalapit na residente. Ayon kay Basel, nais niyang maipamahagi ng libre sa mga taong nangangailangan na walang kakayahang bumili, walang tahanan, sa mga street sweepers, public servants, construction workers at iba pang tao na higit na nangangailangan.

Screenshot: The Hungry Syrian Wanderer Youtube Channel

Nilinaw naman ni Basel na hindi niya binili ang mga naturang disinfectant upang ihoard at ibenta sa mga taong nais bumili sa kanya. Maging ang kanyang ginagawa ay hindi umano inisponsoran, kundi ay kusa niyang ginagawa.

Screenshot: The Hungry Syrian Wanderer Youtube Channel




Sa kanyang video na ibinahagi, makikita na kanya na ngang ipinamigay ang mga naturang disinfectants at masaya itong tinanggap ng mga street sweepers, traffic enforcers, health workers, mga tao sa pampublikong hospital, gasoline pump boys at maging ang mga taong kanilang nakakasalubong sa kalye ay kanila ring binigyan nito.

Screenshot: The Hungry Syrian Wanderer Youtube Channel

Kagaya ng dati, labis na hinangaan ng mga netizens ang kabutihang-loob na ito ni Basel sa kapwa.

“Thank you for that, our own people can’t even think of that, instead they buy it all and sell it for triple price. So sad that’s how they think in the middle of a crisis. But not all. God bless you more.”

“You’re such a one in a million man in this world.. You are so kind, helpful. generous and everything. I pray that the Lord will bless you always with good health so that you can continue your goals in helping to all people unconditionally.”

Base naman sa kanyang huling post, makikita na abala siyang nagbabalot ng mga hygiene kits na ang laman ay mga vitamin c, sanitizer, facemask at may kasama pang sabon. Naghahanda rin siya ng mask upang ipamahagi sa mga nagtatrabaho sa pampublikong hospital at mga matatanda nasa home for the aged.




Nagpaabot rin siya ng mensahe sa kanyang dalawang kapatid na kasalukuyang nagtatrabaho bilang doctor sa France at Saudi Arabia na kung saan ay mga frontliners upang masugpo at labanan ang pagkalat ng COVID-19.

“I may not end up a doctor as well, but I’ll be a doctor for giving hope na lang po.” Wow!

Covid-19 Giving FREE "Hygiene Kit" Vit C & Masks to FILIPINOS Homeless & Hospitals in the PH ??