Ngayon nga ay nahaharap ang ating bansa isang matinding suliranin upang labanan ang virus na COVID-19 na kung saan ay kinakailangan nating maging maingat at pangalagaan ang ating kasulugan. Kaya naman upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa ating kapaligiran at kumunidad, nagpatupad ang gobyerno ng Enchanced Community Quarantine. Kaugnay nito, maraming mamamayan ang naapektuhan ang kanilang mga kabuhayan.
Kasama na nga rito ang si Neri Naig na siyang nagmamay-ari ng restaurant na matatagpuan sa Tagaytay kaya naman bilang pagsunod sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine ng lokal na pamahalaan sa Tagaytay City, nagdesisyon si Neri na isara pansamantala ang kanyang negosyo.
Ang aksyon niyang ito ay hindi lamang para sa sariling kapakanan kundi maging sa kapakanan at kaligtasan na rin ng kanyang mga staff.
Bagama’t, nagsara ang kanyang negosyo, hindi naman hinayaan ni Neri na umuwing walang dala sa kanilang mga tahanan ang kanyang mga empleyado, kaya naman nagbigay siya ng food allowance sa mga ito upang makain sa ilang araw habang nasa community quarantine pa ang lungsod.
Nagbahagi si Neri ng larawan sa Instagram na pinadala sa kanya ng isa sa mga staff niya sa Neri’s Not So Secret Garden, habang binabalot ang mga pagkain na maiuuwi ng mga ito sa kanilang tahanan. At kaniya itong nilakipan ng caption na:
“Community quarantine na ang Tagaytay. At habang naghihintay ng announcement sa Alfonso at Laurel, minabuti na namin na isarado po ang lahat ng aming stores para sa safety ng aming staff.”
Matatandaan na ilang buwan pa lamang ang nakakalipas nang maganap ang trahedya sa Batangas na pagputok ng Bulkang Taal, at ang kanilang negosyo ay tatlong linggong sarado. Na ayon kay Neri ay hindi pa gaanong nakakabawi sa nakakalungkot na pangyayari noon sa Batangas.
Ngunit sa kabila ng kanilang napagdaanang pagsubok na iyon sa Bulkang Taal, at ngayon nga ay may kinakaharap na namang panibagong hamon sa buhay, hindi nito nabago ang desisyon nilang isara pansamantala ang restaurant at tumulong kahit man lang sa kanilang mga empleyado. Kaya naman malugod ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig na magbigay ng food allowance sa kanilang mga staff para sa mga pamilya ng mga ito.
“Katatapos lang ng Taal na halos 3 linggo kaming sarado. Ngayon, eto naman. Hindi namin alam kung kailan magiging ok ulit. Nagpasya na lang kaming mag asawa na magbigay ng food allowance sa pamilya ng mga staff namin hangga’t maging maayos ang lahat,”
Sa kabilang banda, nagbigay rin ang 34 taong gulang Star Circle Quest alum ng mga makabuluhang salita para sa mga kagaya niyang negosyante na nakakaranas rin ng suliranin na makakabawi at makakabangon rin matapos malampasan ang pagsubok na kinakaharap sa COVID-19.
“Sa lahat ng mga negosyante na namumublema kung paano ang mga nakasarang stores, isipin na lang natin na makakabawi tayo. Masipag naman tayo di ba? Ang mahalaga ay ligtas tayo, ang staff natin, at ang mga pamilya natin. Makakabawi at makakabangon tayo. At wag kalimutang magbahagi ng kung ano ang kaya,”
Maging ang kanyang mga followers at tagahanga ay kanya ring pinayuhan na manatili sa kanilang mga tahanan upang maging ligtas sa virus.
“Let us all spread kindness. Please be safe everyone! Mamirmi muna sa bahay. Magbasa ng libro. Manood ng Netflix. Bonding time with your family. Let us appreciate na nasa bahay tayo at healthy.”