Balikan ang Masayang Bakasyon ng Aktres na si Dimples Romana Kasama Ang Kanyang Pamilya, Sa Finland

Ang buhay sa industriya ng showbiz bilang artista ay nakakapagod rin. Hindi biro ang hirap, puyat at pagod sa bawat eksenang kanilang ginagawa.

Photo Credit: Dimples Romana Instagram




Talagang ibinibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mabigyan ng magandang eksena ang bawat proyektong kanilang ginagawa upang masiyahan ang kanilang mga manonood. Ngunit, sa kabila ng kanilang matagumpay na eksena sa bawat pelikula, nais rin nilang magpahinga upang maibsan ang kanilang nararamdamang pagod at stress sa trabaho. Pero nagagawa lamang nila ang bagay na ito sa tuwing pagkatapos ng kanilang proyekto.

Photo Credit: Dimples Romana Instagram

Kaya naman ang aktres na si Dimples Romana ay hindi pinalampas ang pagkakataong makapagrelax kasama ang pamilya nang matapos ang kanyang proyekto na “Kadenang Ginto” na talagang nagbigay sa atin na kaligayahan at nagpaantig rin sa ating mga puso ang mga kaabang-abang na eksena nito.

Photo Credit: Dimples Romana Instagram




At ngayon nga, wala nang makakapigil pa sa kanya upang siya naman ang magsaya kasama ang pamilya. Nitong nakaraan lamang, nang magtungo ang mag-anak sa Europe upang magkaroon ng engrandeng bakasyon.

Photo Credit: Dimples Romana Instagram

Nagtungo si Dimples sa Finland na kanilang unang destinasyon sa masayang bakasyon kasama ang kanyang asawang si Boyet Ahmee at kanilang dalawang anak na sina Callie at Alonzo.

Photo Credit: Dimples Romana Instagram




Sa Finland kung saan tumuloy sila sa isang igloo na gawa sa salamin na napakaganda dahil makikita sa kalangitan nito sa tuwing sila’y hihiga ang napakagandang tanawin lalo na kung gabi na kung saan ay kanilang masisilayan ang northern lights o ang pagkakaroon ng aurora borealis. Talaga nga namang maeenjoy nila ang tanawin dahil nagdudulot ito ng ibat-ibang kulay sa kalangitan, kasama umano ito sa bucket list ng pamilya ni Dimples.

Photo Credit: Dimples Romana Instagram

Sigurado rin na hindi nila makakaligtaang panoorin ang kaabang-abang at napakagandang tanawin na dulot ng northern lights dahil ang bawat igloo sa kanilang tinutuluyang lugar ay may alarm system sa tuwing sasapit ang oras ng pagkakaroon nito.

Photo Credit: Dimples Romana Instagram

Habang nasa Finland ay kanilang ninamnam ang bawat sandali, na kung saan ay kanilang sinubukan ang ibat-ibang activities na maaari nilang gawin sa snow katulad na lamang ng ice fishing at sledding. Maging ang kanilang dalawang anak ay enjoy na enjoy sa kanilang ginagawa. Ang panganay nilang anak na si Callie ay hinayaan nilang magmaneho ng sarili nitong sled. Kanila itong ginawa bilang pag-encourage dito upang maging independent para matuto at masanay na ito bilang paghahanda sa pagpasok nito sa susunod na taon sa pilot school sa Australia bilang piloto.




Ang masayang bakasyong ito ng aktres kasama ang pamilya at nilakipan niya ng caption na:

“Letting go of all the bad and soaking in all the good. Exploring Amsterdam Netherlands today. Nothing beats having inner peace, love of family and grace of the heavens”

Photo Credit: Dimples Romana Instagram

Tunay ngang nakakapagod, at mahirap ang trabaho bilang artista dahil nawawalan sila ng oras sa pamilya kaya naman sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon upang makasama ang pamilya sa isang bakasyon ay hindi nila ito pinapalampas.

Matapos naman ng kanilang masayang karanasan sa Finland ay sumunod nilang tinungo ang Amsterdam, Netherlands bago sila tuluyang umuwi ng Pilipinas.