Dating Artistang Na Si John Wayne Sace, Nasubukang Maging ‘Taga-deliver Ng Cake at Tagabantay ng Computer Shop

Naalala niyo pa ba ang dating dance group na ‘AnimE’? Ang grupong ito nagtatangghal noon sa Kapamilya Sunday noontime show na ASAP. Isa sa miyembro ng nasabing grupo ay si John wayne Sace.

Photo Credit: Google Image


Si John Wayne Sace ay kilalang artista at mananayaw noon. Sa katunayan, tinangghal siya na Best Child Performer noong 2002 sa Metro Manila Film Festival. Nakasama niya sa ASAP dance group na ‘AnimE’ sila Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Oliver Mhyco Aquino, Sergio Garcia, Emman Abeleda at Mico Aytona. Mas nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Bingo Bartolome sa pelikulang ‘Dekada ’70’. Siya din ay dati ng gumanap sa Wansapanataym, Home Along Da Airport, Maalaala Mo Kaya, at ibang serye sa telebisyon. Sa kabila ng mga ito, hindi nagtagal ang kinang ni John Wayne sa Showbiz.

Photo Credit: Google Image

Ang kanyang mga magulang ay nakatira sa United States kaya’t ang kanyang lolo at lola ang nagpalaki sa kanya. Nang nakapasok bilang talent ng Star Magic at nagsimulang sumikat, hindi niya pinabayaan ang kanyang Lola sa halilp ay sinagot lahat ng gastusin nito sa gamot maging sa Dialysis. Itinuring niyang parang kanyang ina ang kanyang lola kaya nang ito ay pumanaw, unti unting naapektuhan ang kanyang career. Dumagdag pa dito ang paghihiwalay nila ng kanyang kasintahan at ng kanilang anak. Tuluyang nalayo sa Showbiz ang binata.

Photo Credit: Google Image


Sa kabila ng kanyang natamong tagumpay, dahil sa mga personal na problema ay bumagsak ang kanyang career. Noong siya ay naging 28 taong gulang, tatlo na ang kanyang mga anak. Dahil wala na siya sa Showbiz, pumasok siya sa iba’t ibang trabaho mabigyan lamang ng mas maayos na buhay ang kanyang mga anak. Naranasan niyang maging taga-deliver ng Cake, maging attendant sa mga internet shop at iba pa.

Photo Credit: Google Image

Sa kasamaang palad noong 2016 ay nasangkot siya at ang kanyang kaibigan sa isang insidente na dahilan ng pagpanaw ng kanyang matalik na kaibigan na si Erik Sabino. Dahil sa nasabing insidente at dahil na din sa pakiusap ng kanyang mga anak, nagdesisyon si John Wayne na umuwi muna sa probinsya at mag ‘Self-Rehab’.

Photo Credit: Google Image


Sa ngayon ay pursigido si John Wayne na ayusin na ang kanyang buhay at tuluyan ng magbago. Ayon pa sa kanya ay handa niyang patunayan na siya at wala ng masamang bisyo at nagsisikap upang maibalik ang dating kinang ng kanyang buhay. At kung muli ding magkakaroon ng pagkakataon na makabalik sa pag-arte ay buong puso niya itong tatanggapin.