Carla Abellana, Nais Magkaroon Ng Prenuptial Agreement Bago Ang Kasal Nila Ni Tom Rodriguez

Maraming magkapareha na noong nakaraang taon at sa kasalukuyang taon ang nauuwi ang pagmamahalan sa pag-iisang dibdib.

Photo Credit: Tom Rodriguez & Carla Abellana Instagram




Kaya naman isa sa mga inaabangan ng publiko at ng kanilang mga tagahanga sa industriya ng showbiz na inaasahan ring mauuwi sa pag-iisang dibdib o ikakasal ay ang magkasintahang sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Photo Credit: Tom Rodriguez & Carla Abellana Instagram

Ayon sa 33 taong gulang na aktres sa naging panayam sa kanya ng Pep, halos limang taon na umano silang magkasintahan ng aktor na si Tom Rodriguez na kasama rin niya sa teleseryeng “Love of my Life” na mapapanood sa GMA Network. Saad pa ng aktres, nasa hustong gulang na rin siya kaya naman handa na siyang magpakasal.

Photo Credit: Tom Rodriguez & Carla Abellana Instagram




Samantala, sa isang press conference naman na dinaluhan ng aktres. Naipahayag ni Carla ang kanyang paniniwala sa kahalagahan ng pagkakaroon ng prenuptial agreement sa magkasintahan bago maganap ang kasal.

Photo Credit: Tom Rodriguez & Carla Abellana Instagram

Kanya namang naipaliwag sa pep ang dahilan nito, ayon kay Carla, ang prenup agreement umano ay isang praktikal na hakbang bilang paghahanda sa kinabukasan ng asawa at ng mga magiging anak.

Photo Credit: Tom Rodriguez & Carla Abellana Instagram

Nang tanungin naman siya kung sang-ayon pa dito ang kanyang kasintahan na si Tom, ayon naman sa aktres, nabanggit na niya sa kasintahan ang plano niyang ito kung sakali man na dumating na ang nakatakdang araw para sa kanilang kasal.




Sa kabila naman ng paniniwala niyang ito, sinabi niya naman na kung ang dalawang magkasintahan ay naniniwala sa bisa ng kasal at talagang mahal ang isat-isa ay wala umanong dahilan upang umabot sa punto ng paghihiwalayan.

Photo Credit: Tom Rodriguez & Carla Abellana Instagram

Ngunit, ayon pa kay Carla, ang pagkakaroon ng prenup agreement ay hindi nangangahulugan na hindi siya naniniwala sa bisa ng kasal, kundi mayroon umano siyang malalim at personal na dahilan patungkol dito.

“But because, siguro po, personally, coming from a broken family, I know what it’s like to be there, to be a single mom. Kumbaga, it’s just one way for a woman as well to protect herself, just in case things don’t work well in the marriage”

Paliwanag ng aktres.




Ang pagkakaroon ng prenuptial agreement ay nasasaad sa isang batas sa Artikulo 75 ng Family Code of the Philippines na kung saan ay may kalayaan ang sinumang magkasintahang nais na magpakasal ngunit nais ring magkaroon ng isang legal na kasunduan sa kanilang mga ari-arian kung paano ito pamamahalaan at kung ano-anu lamang ang maaaring mapuntang ari-arian sa bawat isa kung sakaling dumating ang oras ng kanilang paghihiwalay.