Patok na patok na talaga ang vlog sa ating modernong panahon. Kaya naman hindi tayo nahuhuli sa mga kaganapan tungkol sa buhay ng ating mga iniidolo.

Ibat-ibang nakakaaliw at masasaya kung panooring video ang kanilang ibinabahagi sa kanilang youtube channel. Ngunit, mas kaabang-abang ang video kung ito ay patungkol sa kanilang tahanan na kung saan ay makikita natin kung anong klase ng tirahan mayroon ang ating mga iniidolo. Marami nang mga artista ang nagbahagi ng kanilang mga tirahan na talagang nakapagpamangha sa atin.

Kaya naman ang sikat na vlogger at napakaseksing aktres na si Ivana Alawi ay hindi rin nagpahuli upang ibahagi ang kanilang mansiyon sa Bahrain.
Ang vlog ni Ivana ay kanyang pinamagatang “My Tour House In Bahrain” na kung saan ay mapapanood at makikita sa video kung gaano kabongga ang tahanan nilang ito.

Ayon sa seksing aktres, dito niya masayang ginugol ang kanyang kabataan at kanyang paglaki na kung saan ay nagbigay sa kanya ng mga masasayang ala-ala.
“Isa ito sa pinaka-special na video na ilalabas ko sa YouTube channel ko kasi ipapakita ko sa inyo kung saan ako lumaki. Kung saan nag-start si Ivana Alawi. Nandito tayo ngayon sa Bahrain at ito ang aking childhood house. Dito ako naglaro-laro.”
Panimula ni Ivana sa video.

Talaga namang mapapa-wow ka sa kanilang mansiyon dahil sa labas pa lang nito ay kitang-kita na sa dalawang palapag na bahay kung gaano ito kaganda at kalaki. Bago pumasok sa kanilang malaking mansiyon ay makikita muna sa labas ang malawak nitong bakuran. Ipinakita rin ni Ivana ang garahe ng kanilang sasakyan bago tuluyang dumiretso sa kanilang mansiyon.

Samantala, bago tuluyang makapasok sa mansiyon ay sasalubong naman ang font door. Pagbukas naman ng front door ay bubungad kaagad ang napakalawak at linis tingnan na living room.
Sa living room ay makikita ang sofa na tila nag-aanyaya ng masarap na pahinga sa bisita. Mayroon ring isang upuan na nagmistulang kulungan ng ibon dahil sa bakal nitong disenyo na nakapalibot sa upuan na ayon kay Ivana ay kanyang pinasadya dahil mahilig umano siya sa mga ibon. Hindi lamang isang living room mayroon ang kanilang mansiyon kundi dalawang living room na may chandelier pa. May moderno at klasikong chandelier na nakasabit sa ceiling nito. Ipinakita rin niya ang nag-iisang larawan niyang nakapatong sa estante ng living room.

Sa dining area naman makikita ang isang mahabang lamesa na may walong upuan. May ipinakita rin siya na tila balat ng buwaya kung saan ay nakadikit sa dingding ng naturang silid ngunit sinabi niya na disenyo lamang ito at hindi ito totoong balat ng buwaya.
Sa kusina naman ay simple ngunit napakalinis tingnan na kompleto rin sa kagamitan.

Ipinakita rin niya ang silid ng kanilang mga kasambahay at isang dirty kitchen. Ang kanilang mansiyon rin ay may pantry area.
Sa ikalawang palapag naman ng kanilang napakalaking mansiyon matatagpuan ang tatlong naglalakihang silid-tulugan. Ang master’s bedroom naman kung saan siya kasalukuyang natutulog ay sadyang napakalaki at may sarili pa itong cr na may mga tila cystal na disenyong nakalagay sa pader. Mayroon rin itong bath tub upang magrelax at maenjoy ang paliligo.

May walk in closet rin siya ngunit sa ngayon ay wala pang mga nakalagay na kagamitan dahil kararating lang niya at wala pa siyang oras upang mag-ayos at mamili ng mga kasuotan.
Ayon kay Ivana, namimiss niya umanong tumira sa kanilang tahanan na ito sa abroad na kung saan ay dito siya lumaki. Masaya rin niyang sinabi na masaya siyang naibahagi ang vlog niyang ito na talagang nakapaespesyal para sa kanya.
“I feel happy kasi na-ishare ko ‘yung ‘tong moment na ‘to sa inyo. Na-miss ko ‘yung bahay”
Saad ni Ivana.

Kahanga-hanga ang ganda at laki ng kanilang mansiyon sa Bahrain. Kaya naman umabot na ito ng mahigit 1.9Million views na talagang napa-wow ang maraming tagahanga.
Si Ivana ay ipinanganak na may ibang lahi dahil ang kanyang ina ay may dugong Pinoy, samantalang ang kanyang ama naman ay isang Moroccan. Sa naging panayam kay Ivana sa programang Gandang Gabi Vice ay kanyang ibinahagi na siya ay binigyan ng napakalaking pamana ng kanyang ama. Na kanya namang ibinabahagi sa iba pa niyang mga kapatid.